8 sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, "Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. 9 At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan."
Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila 10 at sinabi sa kanya, "Sasáma kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa mga kababayan ninyo."
11,12 Pero sinabi ni Naomi, "Umuwi na kayo, mga anak. Bakit pa kayo sasáma sa akin? Magkakaanak pa ba ako ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Umuwi na kayo, mga anak, sapagkat matanda na ako at hindi na magkakaasawa pa. Ipagpalagay man natin na makapag-asawa nga ako ngayong gabi at magkaanak pa, 13 hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon."
14 At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi,1:14 at umuwi: Itoʼy nasa Septuagint pero wala sa Hebreo. habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.