Pular para o conteúdo
Publicidade

Santiago 2:1-9

Babala laban sa mga May Pinapaboran

1 Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Hesu-Kristo, wala dapat kayong pinapaboran. 2 Halimbawa, may dumating sa inyong pagtitipon na isang taong may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit ang damit. 3 Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at sasabihin sa kanya, "Umupo ho kayo rito," samantalang sasabihin ninyo sa mahirap, "Tumayo ka roon" o "Umupo ka na lang sa sahig," 4 hindi baʼt may pinapaboran kayo at humahatol ayon sa masama ninyong pag-iisip?

5 Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya? 6 Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagsasakdal sa inyo sa korte? 7 Hindi baʼt sila ang lumalapastangan sa marangal na pangalan ni Hesu-Kristo, ang pangalan kung saan kayo nakilala?

8 Kung sinusunod ninyo ang kautusan ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, "Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,"2:8 Lev. 19:18. mabuti ang ginagawa ninyo. 9 Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag ninyo ang kautusang ito.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.