1 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 2 (Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad), 3 Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea. 4 At kinakailangang magdaan siya sa Samaria. 5 Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak: 6 At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras. 7 Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako. 8 Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain. 9 Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.) 10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay. 11 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay? 12 Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop? 13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa't uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: 14 Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. 15 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa. 16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka. 17 Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa: 18 Sapagka't nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito'y sinabi mo ang katotohanan. 19 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta. 20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao. 21 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. 22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio. 23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. 24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. 25 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay. 26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga. 27 At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya? 28 Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao, 29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo? 30 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya. 31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka. 32 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman. 33 Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain? 34 Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa. 35 Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. 36 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa. 37 Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani. 38 Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan. 39 At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. 40 Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw. 41 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita; 42 At sinabi nila sa babae, Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka't kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan. 43 At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea. 44 Sapagka't si Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain. 45 Kaya nang siya'y dumating sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan. 46 Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea, na doo'y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum. 47 Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka't siya'y naghihingalo. 48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Malibang kayo'y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan. 49 Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak. 50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya'y yumaon sa kaniyang lakad. 51 At samantalang siya'y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay. 52 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya'y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat. 53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan. 54 Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.
1 Da nu Herren fikk vite at fariseerne hadde hørt at Jesus vant flere disipler og døpte flere enn Johannes2 - dog var det ikke Jesus selv som døpte, men hans disipler -3 da forlot han Judea og drog atter bort til Galilea.4 Han måtte da reise gjennem Samaria.5 Så kom han til en by i Samaria, som heter Sykar, nær ved det stykke land som Jakob gav sin sønn Josef;6 og der var Jakobs brønn. Jesus, som var trett av reisen, satt nu der ved brønnen; det var omkring den sjette time.7 En kvinne fra Samaria kommer for å dra op vann. Jesus sier til henne: Gi mig å drikke!8 Hans disipler var gått bort til byen for å kjøpe mat.9 Den samaritanske kvinne sier da til ham: Hvorledes kan du som er jøde, be mig, en samaritansk kvinne, om å få drikke? - for jøder har ikke samkvem med samaritaner.10 Jesus svarte og sa til henne: Kjente du Guds gave, og visste du hvem det er som sier til dig: Gi mig å drikke! da hadde du bedt ham, og han hadde gitt dig levende vann.11 Kvinnen sier til ham: Herre! du har jo ikke noget å dra op vann med, og brønnen er dyp; hvor har du da det levende vann fra?12 Du er da vel ikke større enn vår far Jakob, som gav oss brønnen og selv drakk av den, han og hans sønner og hans fe?13 Jesus svarte og sa til henne: Enhver som drikker av dette vann, skal tørste igjen;14 men den som drikker av det vann jeg vil gi ham, skal aldri i evighet tørste, men det vann jeg vil gi ham, blir i ham en kilde med vann som veller frem til evig liv.15 Kvinnen sier til ham: Herre! gi mig dette vann, så jeg kan slippe å tørste og å gå hit for å dra op vann!16 Han sier til henne: Gå avsted, kall på din mann, og kom så hit!17 Kvinnen svarte: Jeg har ingen mann. Jesus sa til henne: Med rette sa du: Jeg har ingen mann;18 for du har hatt fem menn, og den du nu har, er ikke din mann. Der talte du sant.19 Kvinnen sier til ham: Herre! jeg ser at du er en profet.20 Våre fedre tilbad på dette fjell, og I sier at i Jerusalem er det sted hvor en skal tilbede.21 Jesus sier til henne: Tro mig, kvinne! den time kommer da I hverken skal tilbede Faderen på dette fjell eller i Jerusalem.22 I tilbeder det I ikke kjenner, vi tilbeder det vi kjenner; for frelsen kommer fra jødene;23 men den time kommer, og er nu, da de sanne tilbedere skal tilbede Faderen i ånd og sannhet; for det er sådanne tilbedere Faderen vil ha.24 Gud er ånd, og de som tilbeder ham, bør tilbede i ånd og sannhet.25 Kvinnen sier til ham: Jeg vet at Messias kommer, det er utlagt: Kristus; når han kommer, skal han forkynne oss alt.26 Jesus sier til henne: Det er mig, jeg som taler med dig!27 Og i det samme kom hans disipler, og de undret sig over at han talte med en kvinne; dog sa ingen: Hvad vil du henne, eller: hvorfor taler du med henne?28 Kvinnen lot da sin vannkrukke stå og gikk bort til byen og sa til folket der:29 Kom og se en mann som har sagt mig alt jeg har gjort! Han skulde vel ikke være Messias?30 De gikk ut av byen og var på veien til ham.31 Imens bad disiplene ham og sa: Rabbi, et!32 Men han sa til dem: Jeg har mat å ete som I ikke vet om.33 Disiplene sa da til hverandre: Skulde nogen ha båret mat til ham?34 Jesus sier til dem: Min mat er å gjøre hans vilje som har sendt mig, og å fullføre hans gjerning.35 Sier ikke I at det ennu er fire måneder, så kommer høsten? Se, jeg sier eder: Løft eders øine og se markene, de er alt hvite til høsten!36 Den som høster, får lønn og samler frukt til evig liv, forat både den som sår og den som høster, kan glede sig sammen;37 for her er det et sant ord at en sår og en annen høster.38 Jeg har utsendt eder for å høste det som ikke I har arbeidet med; andre har arbeidet, og I er kommet inn i deres arbeid.39 Men mange av samaritanene fra den by trodde på ham for kvinnens ords skyld, da hun vidnet: Han har sagt mig alt jeg har gjort.40 Da nu samaritanene kom til ham, bad de ham bli hos dem; og han blev der to dager.41 Og mange flere trodde for hans ords skyld,42 og de sa til kvinnen: Nu tror vi ikke lenger for din tales skyld; for vi har selv hørt, og vi vet nu at han sannelig er verdens frelser.43 Efter de to dager drog han derfra til Galilea;44 for Jesus vidnet selv at en profet blir ikke aktet på sitt eget hjemsted.45 Da han nu kom til Galilea, tok galileerne imot ham, fordi de hadde sett alt det han hadde gjort i Jerusalem på høitiden; for også de var kommet til høitiden.46 Han kom da atter til Kana i Galilea, der hvor han hadde gjort vann til vin. Og det var en kongens mann i Kapernaum, som hadde en syk sønn;47 da han fikk høre at Jesus var kommet fra Judea til Galilea, drog han til ham og bad at han vilde komme ned og helbrede hans sønn; for han var nær ved å dø.48 Jesus sa da til ham: Uten at I ser tegn og under, tror I ikke.49 Kongens mann sier til ham: Herre! kom ned før mitt barn dør!50 Jesus sier til ham: Gå hjem, din sønn lever! Mannen trodde det ord Jesus sa til ham, og gikk.51 Da han nu alt var på hjemveien, møtte hans tjenere ham og fortalte at hans barn levde.52 Han spurte dem da om den time da det var blitt bedre med ham; de sa til ham: Igår ved den syvende time forlot feberen ham.53 Faren skjønte da at det var den time da Jesus sa til ham: Din sønn lever; og han trodde selv, og hele hans hus.54 Dette var det annet tegn som Jesus gjorde da han var kommet fra Judea til Galilea.