Publicidade

Lucas 18

1 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; 2 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan: 3 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit. 4 At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao: 5 Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito. 6 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom. 7 At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila? 8 Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa? 9 At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba: 10 May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis. 11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito. 12 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan. 13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan. 14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas. 15 At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila. 16 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios. 17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. 18 At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? 19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang. 20 Talastas mo ang mga utos, Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina. 21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata. 22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman. 24 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan! 25 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios. 26 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas? 27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios. 28 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo. 29 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios, 30 Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay. 31 At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. 32 Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan. 33 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. 34 At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi. 35 At nangyari, na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos: 36 At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon. 37 At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret. 38 At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. 39 At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. 40 At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya, 41 Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin. 42 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo. 43 At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng buong bayan, ay nangagpuri sa Dios.

1 Og han sa en lignelse til dem om at de alltid skulde bede og ikke bli trette.2 Der var en dommer i en by, som ikke fryktet Gud og ikke undså sig for noget menneske.3 Og det var en enke der i byen, og hun kom til ham og sa: Hjelp mig til å få rett over min motstander!4 Og lenge vilde han ikke; men til sist sa han ved sig selv: Om jeg enn ikke frykter Gud og ikke undser mig for noget menneske,5 vil jeg dog hjelpe denne enke til å få rett fordi hun gjør mig uleilighet, så hun ikke til slutt skal komme og legge hånd på mig.6 Og Herren sa: Hør hvad den urettferdige dommer sier!7 Men skulde da ikke Gud hjelpe sine utvalgte til deres rett, dem som roper til ham dag og natt, og er han sen når det gjelder dem?8 Jeg sier eder at han skal skynde sig å hjelpe dem til deres rett. Men når Menneskesønnen kommer, mon han da vil finne troen på jorden?9 Han sa også denne lignelse til nogen som stolte på sig selv at de var rettferdige, og foraktet de andre:10 To menn gikk op til templet for å bede; den ene var en fariseer og den andre en tolder.11 Fariseeren stod for sig selv og bad således: Gud! jeg takker dig fordi jeg ikke er som andre mennesker: røvere, urettferdige, horkarler, eller og som denne tolder.12 Jeg faster to ganger om uken, jeg gir tiende av all min inntekt.13 Og tolderen stod langt borte og vilde ikke engang løfte sine øine mot himmelen, men slo sig for sitt bryst og sa: Gud! vær mig synder nådig!14 Jeg sier eder: Denne gikk rettferdiggjort ned til sitt hus fremfor den andre; for hver den sig selv ophøier, skal fornedres, og den sig selv fornedrer, skal ophøies.15 De bar også sine små barn til ham, forat han skulde røre ved dem; men da disiplene så det, truet de dem.16 Men Jesus kalte dem til sig og sa: La de små barn komme til mig, og hindre dem ikke! for Guds rike hører sådanne til.17 Sannelig sier jeg eder: Den som ikke tar imot Guds rike som et lite barn, han skal ingenlunde komme inn i det.18 Og en rådsherre spurte ham: Gode mester! hvad skal jeg gjøre for å arve evig liv?19 Jesus sa til ham: Hvorfor kaller du mig god? Ingen er god uten én, det er Gud.20 Budene kjenner du: Du skal ikke drive hor, du skal ikke slå ihjel, du skal ikke stjele, du skal ikke si falskt vidnesbyrd, hedre din far og din mor.21 Men han sa: Alt dette har jeg holdt fra min ungdom av.22 Da Jesus hørte det, sa han til ham: Ett fattes dig ennu: selg alt det du har, og del det ut til fattige, så skal du få en skatt i himmelen; kom så og følg mig!23 Men da han hørte det, blev han meget bedrøvet; for han var meget rik.24 Og da Jesus så det, sa han: Hvor vanskelig det er for de rike å komme inn i Guds rike!25 For det er lettere for en kamel å gå gjennem et nåleøie enn for en rik å gå inn i Guds rike.26 Da sa de som hørte det: Hvem kan da bli frelst?27 Men han sa: Det som er umulig for mennesker, er mulig for Gud.28 Og Peter sa: Se, vi har forlatt alt vårt og fulgt dig.29 Da sa han til dem: Sannelig sier jeg eder: Det er ingen som har forlatt hus eller hustru eller brødre eller foreldre eller barn for Guds rikes skyld30 uten at han skal få mangefold igjen her i tiden, og i den kommende verden evig liv.31 Men han tok de tolv til sig og sa til dem: Se, vi går op til Jerusalem, og alt det som er skrevet av profetene om Menneskesønnen, skal fullbyrdes.32 For han skal overgis til hedningene og bli spottet og hånet og spyttet på,33 og de skal hudstryke ham og slå ham ihjel, og på den tredje dag skal han opstå.34 Og de forstod ikke noget av dette, og dette ord var skjult for dem, og de skjønte ikke det han sa.35 Og det skjedde da han kom nær til Jeriko, at en blind mann satt ved veien og tigget.36 Da han hørte folk gå forbi, spurte han hvad dette var.37 De fortalte ham da at Jesus fra Nasaret gikk forbi.38 Og han ropte: Jesus, du Davids sønn! miskunn dig over mig!39 Og de som gikk foran, truet ham at han skulde tie. Men han ropte enda meget mere: Du Davids sønn! miskunn dig over mig!40 Da stod Jesus stille, og bød at han skulde føres til ham; og da han kom frem, spurte han ham:41 Hvad vil du jeg skal gjøre for dig? Han sa: Herre! at jeg må bli seende!42 Og Jesus sa til ham: Bli seende! din tro har frelst dig.43 Og straks fikk han sitt syn igjen, og fulgte ham og lovet Gud; og alt folket som så det, priste Gud.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-