Publicidade

Lucas 6

1 Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay. 2 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath? 3 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya; 4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang? 5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 6 At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay. 7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal. 8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo. 9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa? 10 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay. 11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus. 12 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios. 13 At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol: 14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome. 15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap, 16 At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo; 17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit; 18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling. 19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat. 20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios. 21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa. 22 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. 23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta. 24 Datapuwa't sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan. 25 Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis. 26 Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta. 27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo, 28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait. 29 Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika. 30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli. 31 At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila. 32 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila. 33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan. 34 At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din. 35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama. 36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain. 37 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain: 38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin. 39 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay? 40 Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. 41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata? 42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid. 43 Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti. 44 Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan. 45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig. 46 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi? 47 Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad: 48 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti. 49 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.

1 Det skjedde på den næst-første sabbat at han gikk gjennem en aker, og hans disipler plukket aks og gned dem ut med hendene og åt.2 Da sa nogen av fariseerne: Hvorfor gjør I det som det ikke er tillatt å gjøre på sabbaten?3 Og Jesus svarte og sa til dem: Har I da ikke lest hvad David gjorde da han var sulten, han selv og de som var med ham,4 hvorledes han gikk inn i Guds hus og tok skuebrødene og åt, og gav også dem som var med ham? Og dem har ingen lov til å ete uten prestene alene.5 Og han sa til dem: Menneskesønnen er herre også over sabbaten.6 Og det skjedde på en annen sabbat at han gikk inn i synagogen og lærte; og der var en mann hvis høire hånd var vissen.7 Men de skriftlærde og fariseerne lurte på ham, om han vilde helbrede på sabbaten, forat de kunde finne klagemål imot ham.8 Men han visste deres tanker, og han sa til mannen som hadde den visne hånd: Stå op og kom frem! Og han stod op og trådte frem.9 Da sa Jesus til dem: Jeg spør eder om det er tillatt på sabbaten å gjøre godt eller å gjøre ondt, å berge liv eller å spille det?10 Og han så omkring på dem alle og sa til ham: Rekk din hånd ut! Og han gjorde så, og hans hånd blev frisk igjen.11 Men de blev rent rasende, og talte med hverandre om hvad de skulde gjøre med Jesus.12 Og det skjedde i de dager at han gikk op i fjellet for å bede, og han var der hele natten i bønn til Gud.13 Og da det blev dag, kalte han sine disipler til sig, og han valgte sig ut tolv av dem og gav dem navnet apostler:14 Simon, som han også gav navnet Peter, og hans bror Andreas, og Jakob og Johannes og Filip og Bartolomeus15 og Matteus og Tomas og Jakob, Alfeus' sønn, og Simon, som kaltes ivreren,16 og Judas, Jakobs sønn, og Judas Iskariot, som blev forræder.17 Og han gikk ned med dem, og han blev stående på en slette, og med ham en stor flokk av hans disipler og en stor mengde folk fra hele Judea og Jerusalem og fra havkanten ved Tyrus og Sidon,18 som var kommet for å høre ham og for å bli lægt for sine sykdommer; og de som var plaget av urene ånder, blev helbredet.19 Og alt folket søkte å få røre ved ham; for en kraft gikk ut fra ham og helbredet alle.20 Og han løftet sine øine på sine disipler og sa: Salige er I fattige; for Guds rike er eders.21 Salige er I som nu hungrer; for I skal mettes. Salige er I som nu gråter; for I skal le.22 Salige er I når menneskene hater eder, og når de ikke vil vite av eder, og spotter eder og kaster eders navn fra sig som noget ondt, for Menneskesønnens skyld.23 Gled eder på den dag og spring av fryd! for se, eders lønn er stor i himmelen; for på samme vis gjorde deres fedre med profetene.24 Men ve eder, I rike! for I har allerede fått eders trøst.25 Ve eder, I som nu er mette! for I skal hungre. Ve eder, I som nu ler! for I skal sørge og gråte.26 Ve eder når alle mennesker taler vel om eder! for på samme vis gjorde deres fedre med de falske profeter.27 Men til eder som hører, sier jeg: Elsk eders fiender, gjør vel imot dem som hater eder,28 velsign dem som forbanner eder, bed for dem som taler ille om eder!29 Når en slår dig på det ene kinn, så by og det andre frem, og når en tar din kappe fra dig, da nekt ham heller ikke kjortelen!30 Gi hver den som ber dig, og om en tar fra dig det som ditt er, da krev det ikke igjen!31 Og som I vil at menneskene skal gjøre imot eder, så skal og I gjøre imot dem.32 Og om I elsker dem som elsker eder, hvad er det å takke eder for? Også syndere elsker jo dem som dem elsker.33 Og om I gjør vel imot dem som gjør vel imot eder, hvad er det å takke eder for? Også syndere gjør det samme.34 Og om I låner til dem som I håper å få igjen av, hvad er det å takke eder for? Også syndere låner til syndere for å få like igjen.35 Men elsk eders fiender, og gjør vel og lån uten å vente noget igjen! så skal eders lønn være stor, og I skal være den Høiestes barn; for han er god mot de utakknemlige og onde.36 Vær barmhjertige, likesom eders Fader er barmhjertig,37 og døm ikke, så skal I ikke dømmes, og fordøm ikke, så skal I ikke fordømmes; forlat, så skal eder forlates;38 gi, så skal eder gis! et godt, stoppet, rystet, overfylt mål skal gis eder i fanget; for med det samme mål som I måler med, skal eder måles igjen.39 Han sa også en lignelse til dem: Kan en blind lede en blind? kommer de ikke begge til å falle i grøften?40 En disippel er ikke over sin mester, men enhver som er full-lært, blir som sin mester.41 Og hvorfor ser du splinten i din brors øie, men bjelken i ditt eget øie blir du ikke var?42 Hvorledes kan du si til din bror: Bror! la mig dra ut splinten som er i ditt øie, du som ikke ser bjelken i ditt eget øie? Du hykler! dra først bjelken ut av ditt eget øie, så kan du se å dra ut splinten som er i din brors øie!43 For det er ikke noget godt tre som bærer dårlig frukt, og heller ikke noget dårlig tre som bærer god frukt.44 For hvert tre kjennes på sin frukt; en sanker jo ikke fiken av tornebusker, og en plukker ikke vindruer av tornekratt.45 Et godt menneske bærer det gode frem av sitt hjertes gode forråd, og et ondt menneske bærer det onde frem av sitt onde forråd; for hvad hjertet flyter over av, det taler hans munn.46 Men hvorfor kaller I mig Herre, Herre, og gjør ikke det jeg sier?47 Hver den som kommer til mig og hører mine ord og gjør efter dem - hvem han er lik, vil jeg vise eder.48 Han er lik et menneske som skulde bygge et hus, og som gravde dypt ned og la grunnvollen på fjell; og da det blev flom, brøt strømmen imot det hus, og den var ikke i stand til å rokke det, fordi det var godt bygget.49 Men den som hører og ikke gjør derefter, han er lik et menneske som bygget sitt hus på bare jorden uten grunnvoll; og strømmen brøt imot det, og det falt straks, og det blev et stort fall da det hus falt.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-