1 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga salitang ito, ay umalis siya sa Galilea at napasa mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan; 2 At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, at sila'y pinagaling niya doon. 3 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan? 4 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, 5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? 6 Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. 7 Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae? 8 Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon. 9 At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya. 10 Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya, Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa, ay hindi nararapat magasawa. 11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban. 12 Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap. 13 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad. 14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit. 15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon. 16 At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? 17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos. 18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan, 19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin? 21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pag-aari. 23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. 24 At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios. 25 At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas? 26 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. 27 Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin? 28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel. 29 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay. 30 Datapuwa't maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna.
1 Og det skjedde da Jesus hadde endt denne tale, da drog han bort fra Galilea og kom til Judeas landemerker på hin side Jordan.2 Og meget folk fulgte ham, og han helbredet dem der.3 Og fariseerne kom til ham, fristet ham og sa: Har en mann lov til å skille sig fra sin hustru for enhver saks skyld?4 Han svarte og sa: Har I ikke lest at han som skapte dem, fra begynnelsen av skapte dem til mann og kvinne5 og sa: Derfor skal mannen forlate far og mor og holde sig til sin hustru, og de to skal være ett kjød?6 Så er de da ikke lenger to, men ett kjød. Derfor, det som Gud har sammenføiet, det skal et menneske ikke adskille.7 De sa til ham: Hvorfor bød da Moses å gi hustruen skilsmissebrev og skille sig fra henne?8 Han sa til dem: For eders hårde hjertes skyld gav Moses eder lov til å skilles fra eders hustruer; men fra begynnelsen av har det ikke vært således.9 Men jeg sier eder at den som skiller sig fra sin hustru, uten for hors skyld, og gifter sig med en annen, han driver hor, og den som gifter sig med en fraskilt kvinne, han driver hor.10 Hans disipler sa til ham: Står saken så mellem mann og hustru, da er det ikke godt å gifte sig.11 Men han sa til dem: Ikke alle fatter dette ord, men bare de som det er gitt.12 For der er gildinger som er født slik av mors liv, og der er gildinger som er gildet av menneskene, og der er gildinger som har gildet sig selv for himlenes rikes skyld. Den som kan fatte dette ord, han fatte det!13 Da bar de små barn til ham, forat han skulde legge sine hender på dem og bede; men disiplene truet dem.14 Men Jesus sa: La de små barn være og hindre dem ikke fra å komme til mig! for himlenes rike hører sådanne til.15 Og han la sine hender på dem og drog derfra.16 Og se, det kom en til ham og sa: Mester! hvad godt skal jeg gjøre for å få evig liv?17 Men han sa til ham: Hvorfor spør du mig om det gode? Det er bare en som er god. Men vil du gå inn til livet, da hold budene!18 Han sa til ham: Hvilke? Jesus sa: Du skal ikke slå ihjel, du skal ikke drive hor, du skal ikke stjele, du skal ikke si falskt vidnesbyrd,19 hedre din far og din mor, og: du skal elske din næste som dig selv.20 Den unge mann sa til ham: Alt dette har jeg holdt; hvad fattes mig ennu?21 Jesus sa til ham: Vil du være fullkommen, da gå bort og selg det du eier, og gi det til de fattige, så skal du få en skatt i himmelen; kom så og følg mig!22 Men da den unge mann hørte det, gikk han bedrøvet bort; for han var meget rik.23 Og Jesus sa til sine disipler: Sannelig sier jeg eder: Det vil være vanskelig for en rik å komme inn i himlenes rike.24 Atter sier jeg eder: Det er lettere for en kamel å gå gjennem et nåleøie enn for en rik å gå inn i Guds rike.25 Men da disiplene hørte det, blev de meget forferdet og sa: Hvem kan da bli frelst?26 Men Jesus så på dem og sa til dem: For mennesker er dette umulig, men for Gud er alt mulig.27 Da svarte Peter ham: Se, vi har forlatt alt og fulgt dig; hvad skal da vi få?28 Da sa Jesus til dem: Sannelig sier jeg eder: I som har fulgt mig, I skal i gjenfødelsen, når Menneskesønnen sitter på sin herlighets trone, også sitte på tolv troner og dømme Israels tolv stammer.29 Og hver den som har forlatt hus eller brødre eller søstre eller far eller mor eller barn eller akrer for mitt navns skyld? skal få mangefold igjen og arve evig liv.30 Men mange som er de første, skal bli de siste, og de siste de første.