Publicidade

Mateus 21

1 At nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad, 2 Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin. 3 At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila. 4 Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, 5 Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno. 6 At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila, 7 At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay. 8 At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan. 9 At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan. 10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito? 11 At sinabi ng mga karamihan, Ito'y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea. 12 At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; 13 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan. 14 At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kaniyang pinagaling. 15 Datapuwa't nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa, at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi, Hosana sa Anak ni David; ay nangagalit sila, 16 At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga'y hindi ninyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri? 17 At sila'y kaniyang iniwan, at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania, at nakipanuluyan doon. 18 Pagka umaga nga nang siya'y bumabalik sa bayan, nagutom siya. 19 At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos. 20 At nang makita ito ng mga alagad, ay nangagtaka sila, na nangagsasabi, Ano't pagdaka'y natuyo ang puno ng igos? 21 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y may pananampalataya, at di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari. 22 At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin. 23 At pagpasok niya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito? 24 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong, na kung inyong sasabihin sa akin, ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 25 Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit o sa mga tao? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit; sasabihin niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan? 26 Datapuwa't kung sasabihin, Sa mga tao; nangatatakot tayo sa karamihan; sapagka't kinikilala ng lahat na propeta si Juan. 27 At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 28 Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan. 29 At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon. 30 At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon. 31 Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios. 32 Sapagka't naparito si Juan sa inyo sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya. 33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. 34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga. 35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa'y pinatay, at ang isa'y binato. 36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan. 37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak. 38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana. 39 At siya'y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya. 40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon? 41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan. 42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata? 43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. 44 At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok. 45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan. 46 At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito na siya'y propeta.

1 Og da de kom nær til Jerusalem og var kommet til Betfage ved Oljeberget, da sendte Jesus to disipler avsted og sa til dem:2 Gå inn i den by som ligger rett for eder, og straks skal I finne en aseninne bundet og en fole hos den; løs dem, og før dem til mig!3 Og dersom nogen sier noget til eder, da skal I si: Herren har bruk for dem; så skal han straks sende dem.4 Men dette skjedde forat det skulde opfylles som er talt ved profeten, som sier:5 Si til Sions datter: Se, din konge kommer til dig, saktmodig og ridende på et asen, på trældyrets fole.6 Disiplene gikk da avsted og gjorde som Jesus bød dem;7 de hentet aseninnen og folen, og la sine klær på dem; og han satte sig oppå.8 Og størstedelen av folket bredte sine klær på veien, andre hugg grener av trærne og strødde dem på veien,9 og folket som gikk foran og fulgte efter, ropte: Hosianna Davids sønn! Velsignet være han som kommer i Herrens navn! Hosianna i det høieste!10 Og da han drog inn i Jerusalem, kom hele byen i bevegelse og sa: Hvem er dette?11 Men folket sa: Dette er profeten Jesus fra Nasaret i Galilea.12 Og Jesus gikk inn i Guds tempel og drev ut alle dem som solgte og kjøpte i templet, og pengevekslernes bord og duekremmernes stoler veltet han,13 og han sa til dem: Det er skrevet: Mitt hus skal kalles et bedehus. Men I gjør det til en røverhule.14 Og det kom blinde og halte til ham i templet, og han helbredet dem.15 Men da yppersteprestene og de skriftlærde så de undergjerninger han gjorde, og barna som ropte i templet: Hosianna Davids sønn! da blev de vrede og sa til ham:16 Hører du hvad disse sier? Men Jesus sa til dem: Ja! Har I aldri lest: Av umyndiges og diendes munn har du beredt dig lovprisning?17 Og han forlot dem og gikk utenfor byen til Betania, og var der natten over.18 Om morgenen, da han gikk til byen igjen, blev han hungrig,19 og da han så et fikentre ved veien, gikk han bort til det, men fant ikke noget på det uten bare blad. Da sa han til det: Aldri i evighet skal det mere vokse frukt på dig. Og straks visnet fikentreet.20 Og da disiplene så det, undret de sig og sa: Hvorledes gikk det til at fikentreet straks visnet?21 Men Jesus svarte og sa til dem: Sannelig sier jeg eder: Dersom I har tro og ikke tviler, da skal I ikke alene kunne gjøre dette med fikentreet, men endog om I sier til dette fjell: Løft dig op og kast dig i havet, så skal det skje;22 og alt det I beder om med tro i eders bønn, det skal I få.23 Og da han var kommet inn i templet og lærte der, gikk yppersteprestene og folkets eldste til ham og sa: Med hvad myndighet gjør du dette, og hvem har gitt dig denne myndighet?24 Jesus svarte og sa til dem: Også jeg vil spørre eder om en ting; sier I mig det, da skal også jeg si eder med hvad myndighet jeg gjør dette.25 Johannes' dåp, hvorfra var den? fra himmelen eller fra mennesker? Da tenkte de ved sig selv og sa: Sier vi: Fra himmelen, da sier han til oss: Hvorfor trodde I ham da ikke?26 Men sier vi: Fra mennesker, da frykter vi for folket; for alle holder Johannes for en profet.27 De svarte da Jesus og sa: Vi vet det ikke. Da sa også han til dem: Så sier heller ikke jeg eder med hvad myndighet jeg gjør dette.28 Men hvad tykkes eder? En mann hadde to sønner, og han gikk til den ene og sa: Sønn, gå idag og arbeid i min vingård!29 Men han svarte: Jeg vil ikke. Men siden angret han det og gikk.30 Og han gikk til den andre og sa det samme til ham. Han svarte: Ja, herre! men gikk ikke.31 Hvem av de to gjorde nu farens vilje? De sier: Den første. Jesus sier til dem: Sannelig sier jeg eder at toldere og skjøger kommer før inn i Guds rike enn I.32 For Johannes kom til eder på rettferdighets vei, og I trodde ham ikke, men tolderne og skjøgene trodde ham; men I, enda I så det, angret I det ikke siden, så I trodde ham.33 Hør en annen lignelse: Det var en husbond som plantet en vingård, og han satte et gjerde omkring den og gravde en vinperse i den og bygget et tårn, og så leide han den ut til vingårdsmenn og drog utenlands.34 Da det nu led mot frukttiden, sendte han sine tjenere til vingårdsmennene for å ta imot den frukt som han skulde ha;35 og vingårdsmennene tok hans tjenere: en slo de, en drepte de, en stenet de.36 Atter sendte han andre tjenere, flere enn de første, og de gjorde likeså med dem.37 Men til sist sendte han sin sønn til dem og sa: De vil undse sig for min sønn.38 Men da vingårdsmennene så sønnen, sa de sig imellem: Dette er arvingen; kom, la oss slå ham ihjel, så vi kan få hans arv!39 Og de tok ham og kastet ham ut av vingården og slo ham ihjel.40 Når nu vingårdens herre kommer, hvad skal han da gjøre med disse vingårdsmenn?41 De sier til ham: Ille skal han ødelegge disse illgjerningsmenn, og vingården skal han leie ut til andre vingårdsmenn, som gir ham frukten i rette tid.42 Jesus sier til dem: Har I aldri lest i skriftene: Den sten som bygningsmennene forkastet, den er blitt hjørnesten; av Herren er dette gjort, og det er underfullt i våre øine?43 Derfor sier jeg eder: Guds rike skal tas fra eder og gis til et folk som bærer dets frukter.44 Og den som faller på denne sten, han skal knuses, men den som den faller på, ham skal den smuldre til støv.45 Og da yppersteprestene og fariseerne hørte hans lignelser, skjønte de at han talte om dem.46 Og de søkte å gripe ham, men fryktet for folket; for det holdt ham for en profet.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-