Publicidade

Jó 6

1 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, 2 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. 3 Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. 4 Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. 5 Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? 6 Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? 7 Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. 8 Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! 9 Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! 10 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. 11 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? 12 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? 13 Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? 14 Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. 15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; 16 Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: 17 Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. 18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. 19 Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. 20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. 21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. 22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? 23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? 24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. 25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? 26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. 27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. 28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. 29 Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. 30 May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?

1 Da tok Job til orde og sa:2 Gid min gremmelse blev veid, og min ulykke samtidig lagt på vekten!3 For nu er den tyngre enn havets sand; derfor var mine ord tankeløse.4 For den Allmektiges piler sitter i mig, og min ånd drikker deres gift; Guds redsler stiller sig op imot mig.5 Skriker vel et villesel midt i det grønne gress? Eller brøler en okse foran sitt fôr?6 Hvem vil ete det som det ingen smak er i, uten salt? Eller er det smak i eggehvite?7 Det byr mig imot å røre ved det*; det er for mig som utskjemt mat. / {* d.e. ved mine lidelser.}8 Gid min bønn måtte bli hørt, og Gud vilde opfylle mitt håp!9 Og måtte det behage Gud å knuse mig, å slippe løs sin hånd og avskjære min livstråd!10 Da hadde jeg ennu en trøst, og jeg skulde springe av glede midt i den skånselløse smerte; for jeg har ikke fornektet den Helliges ord.11 Hvad kraft har jeg, så jeg kunde holde ut, og hvad blir enden med mig, så jeg kunde være tålmodig?12 Er da min kraft som stenens kraft? Eller er mitt kjøtt av kobber?13 Er jeg da ikke aldeles hjelpeløs? Er ikke all utsikt til frelse fratatt mig?14 Den ulykkelige burde møte kjærlighet hos sin venn, selv om han opgir frykten for den Allmektige.15 Men mine brødre har sviktet som en bekk, som strømmer hvis vann skyller over,16 som er grumset av is, og som det skjuler sig sne i;17 men på den tid de treffes av solens glød, tørkes de ut; når det blir hett, svinner de bort.18 Karavaner som er på veien til dem, bøier av; de drar op i ørkenen og omkommer.19 Temas karavaner speidet efter dem, Sjebas reisefølger satte sitt håp til dem;20 de blev til skamme, fordi de stolte på dem; de kom dit og blev skuffet.21 Således er I nu blitt til intet; I ser ulykken og blir redde.22 Har jeg vel bedt eder at I skulde gi mig noget eller bruke noget av eders gods til beste for mig,23 at I skulde frelse mig av fiendens hånd og løskjøpe mig fra voldsmenn?24 Lær mig, så skal jeg tie, og vis mig hvori jeg har faret vill!25 Hvor kraftige er ikke rettsindige ord! Men hvad gagn er det i en refselse fra eder?26 Tenker I på å refse ord? Ord av en fortvilet mann hører jo vinden til.27 Endog om en farløs kunde I kaste lodd og kjøpslå om eders venn.28 Men gjør nu så vel å se på mig! Skulde jeg vel ville lyve eder midt op i ansiktet?29 Vend om, la det ikke skje urett! Vend om, jeg har ennu rett i dette.30 Er det urett på min tunge, eller skulde min gane ikke merke hvad som er ondt?

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-