1 Nang magkagayo'y sumagot si Sophar na Naamathita, at nagsabi, 2 Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap? 3 Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo? 4 Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata. 5 Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo; 6 At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan. 7 Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat? 8 Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman? 9 Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa. At maluwang kay sa dagat. 10 Kung siya'y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya? 11 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao: Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin. 12 Nguni't ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno. 13 Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya; 14 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda; 15 Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot: 16 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos: 17 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga. 18 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay. 19 Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo. 20 Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
1 Da tok Sofar fra Na'ama til orde og sa:2 Skulde en ordflom bli uten svar, eller en ordgyter få rett?3 Skulde dine store ord drive menn til taushet, skulde du spotte uten at nogen skammer dig ut?4 Og skal du få si: Ren er min lære, og skyldfri er jeg i dine øine?5 Men bare Gud vilde tale og oplate sine leber mot dig6 og åpenbare dig visdommens hemmeligheter, at det i dem er dobbelt forstand! Da måtte du nok innse at Gud tilgir dig noget av din misgjerning.7 Mon du kan finne bunn i Guds vesen eller nå frem til den Allmektiges ytterste grense?8 Himmelhøi er den*, hvad kan du gjøre? Dypere enn dødsriket, hvad vet du? / {* d.e. Guds visdom.}9 Lengere enn jorden er dens mål og bredere enn havet.10 Om han farer frem og setter i fengsel og sammenkaller retten, hvem vil da hindre ham?11 For han, han kjenner de falske folk og ser uretten, uten at han trenger å gi akt på den,12 og selv en uvettig mann får forstand*, og et ungt villesel blir født til menneske. / {* når Gud således går i rette med ham, JBS 11, 10.}13 Hvis du retter ditt hjerte og utbreder dine hender til ham -14 er det synd i din hånd, da ha den bort og la ikke urett bo i dine telt -15 ja, da skal du, fri for lyte, opløfte ditt åsyn og stå fast og ikke frykte;16 for du skal glemme din møie, som forbifarne vann skal du komme den i hu.17 Og lysere enn middagen blir da ditt liv; mørket blir for dig som morgenen.18 Og du skal være trygg, for da er det håp, og når du har sett dig vel omkring, kan du legge dig trygt til ro.19 Og du skal hvile, og ingen skal skremme dig op, og mange skal søke din yndest.20 Men de ugudeliges øine tæres bort; de har ingen tilflukt mere, og deres håp er å utånde sjelen.