1 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 2 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig? 3 Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan? 4 Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang: 5 Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; 6 Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. 7 At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam. 8 Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang: 9 (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:) 10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso? 11 Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig? 12 Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo. 13 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala: 14 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba. 15 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas. 16 Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan. 17 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato. 18 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita. 19 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba. 20 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan. 21 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw. 22 Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.
1 Da tok Bildad fra Suah til orde og sa:2 Hvor lenge vil du tale så? Hvor lenge skal din munns ord være som et veldig vær?3 Skulde vel Gud forvende retten, eller den Allmektige forvende rettferdigheten?4 Har dine sønner syndet mot ham, så har han gitt dem deres brøde i vold.5 Hvis du vender dig til Gud og beder den Allmektige om nåde,6 hvis du er ren og opriktig, da vil han våke over dig og gjenreise din rettferds bolig,7 og din forrige lykke vil bli ringe mot din senere lykke, for den skal være overmåte stor.8 For spør bare fremfarne slekter og akt på det som deres fedre har gransket ut9 - for vi er fra igår og vet intet; for en skygge er våre dager på jorden -10 de skal lære dig og si dig det og bære frem ord fra sitt hjerte.11 Vokser sivet op hvor det ikke er myrlendt? Blir starrgresset stort uten vann?12 Ennu står det friskt og grønt og blir ikke skåret; da visner det før alt annet gress.13 Således går det alle dem som glemmer Gud, og den gudløses håp går til grunne;14 hans tillit avskjæres, og det han trøster sig til, er spindelvev.15 Han støtter sig på sitt hus, men det står ikke; han holder sig fast i det, men det står ikke fast.16 Frodig står han der i solens skinn, og hans skudd breder sig ut over hans have;17 om en stenrøs slynger sig hans røtter, mellem stener trenger han sig frem.18 Ryddes han bort fra sitt sted, så kjennes det ikke ved ham, men sier: Jeg har aldri sett dig.19 Se, det er gleden på hans vei, og av mulden spirer andre frem.20 Nei, Gud forkaster ikke en som er ulastelig, og han holder ikke ugudelige ved hånden.21 Ennu vil han fylle din munn med latter og dine leber med jubel.22 De som hater dig, skal klædes med skam, og de ugudeliges telt skal ikke mere finnes.