1 At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi, 2 Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios; 3 Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman; 4 Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda; 5 Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko; 6 Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis! 7 Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan, 8 Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo: 9 Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig; 10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig. 11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin: 12 Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya. 13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao. 14 Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema. 15 Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay. 16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat. 17 At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin. 18 Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin: 19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga: 20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay. 21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo. 22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila. 23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan. 24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak. 25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.
1 Og Job blev ved å fremføre sin visdomstale og sa:2 Å, om jeg hadde det som i fordums måneder, som i de dager da Gud vernet om mig,3 da hans lampe skinte over mitt hode, da jeg ved hans lys vandret gjennem mørket,4 slik som jeg hadde det i min modne manndoms dager, da Guds vennskap hvilte over mitt telt,5 da den Allmektige ennu var med mig, og jeg hadde mine barn omkring mig,6 da mine føtter badet sig i melk, og berget ved mitt hus lot bekker av olje strømme frem!7 Når jeg gikk op til porten i byen og inntok mitt sete på torvet,8 da drog de unge sig unda ved synet av mig, og de gråhårede reiste sig og blev stående;9 høvdinger lot være å tale og la hånden på sin munn;10 de fornemme tidde stille, og deres tunge blev hengende ved ganen.11 Enhver som hørte om mig, priste mig lykkelig, og hver den som så mig, gav mig lovord.12 For jeg berget armingen som ropte om hjelp, og den farløse som ingen hjelper hadde.13 Den som var sin undergang nær, velsignet mig, og enkens hjerte fikk jeg til å juble.14 Jeg klædde mig i rettferdighet, og den opslo sin bolig i mig; rettsinn bar jeg som kappe og hue.15 Øine var jeg for den blinde, og føtter var jeg for den halte.16 En far var jeg for de fattige, og ukjente folks sak gransket jeg.17 Jeg knuste den urettferdiges kjever og rev byttet bort fra hans tenner.18 Jeg tenkte da: I mitt rede skal jeg få dø, og mine dager skal bli tallrike som sand.19 Min rot skal ligge åpen for vann, og nattens dugg skal falle på mine grener.20 Min ære blir alltid ny, og min bue forynges i min hånd.21 Mig hørte de på, de ventet og lyttet i taushet til mitt råd.22 Når jeg hadde talt, tok de ikke til orde igjen, og min tale dryppet ned over dem.23 De ventet på min tale som på regn, de åpnet sin munn som for vårregn.24 Når de var motløse, smilte jeg til dem, og mitt åsyns lys kunde de ikke formørke.25 Fikk jeg lyst til å gå til dem, da satt jeg der som høvding og tronte som en konge i sin krigerskare, lik en som trøster de sørgende.