1 At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon. 2 At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito! 3 At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto? 4 At nag-sangusapan sila, Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y magbalik sa Egipto. 5 Nang magkagayon, si Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel. 6 At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot: 7 At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain. 8 Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 9 Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila. 10 Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel. 11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila? 12 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila. 13 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila; 14 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi. 15 Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin, 16 Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang. 17 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi, 18 Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi. 19 Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon. 20 At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad ayon sa iyong salita: 21 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa: 22 Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig; 23 Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita: 24 Kundi ang aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi. 25 Ngayon nga'y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula. 26 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 27 Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin. 28 Sabihin mo sa kanila, Ako'y buhay, sabi ng Panginoon, tunay na kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo: 29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin, 30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun. 31 Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil. 32 Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito. 33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na apat na pung taon, at kanilang tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang. 34 Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan. 35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay. 36 At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain, 37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon. 38 Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buhay sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain. 39 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at ang bayan ay tumaghoy na mainam. 40 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala. 41 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong? 42 Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway. 43 Sapagka't nandoon ang mga Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo. 44 Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento. 45 Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa Horma.
1 Da tok hele menigheten til å rope og skrike, og folket gråt hele natten.2 Og alle Israels barn knurret mot Moses og Aron, og hele menigheten sa til dem: Gid vi var død i Egyptens land eller her i ørkenen! Å, at vi var død!3 Hvorfor fører Herren oss inn i dette land, så vi må falle for sverdet? Våre hustruer og våre barn vil bli til rov. Var det ikke bedre for oss å vende tilbake til Egypten?4 Og de sa til hverandre: La oss velge oss en høvding og vende tilbake til Egypten!5 Da falt Moses og Aron ned på sitt ansikt foran hele den forsamlede menighet av Israels barn.6 Og Josva, Nuns sønn, og Kaleb, Jefunnes sønn, som var blandt dem som hadde utspeidet landet, sønderrev sine klær7 og talte til hele Israels barns menighet og sa: Det land som vi drog igjennem for å utspeide det, er et overmåte godt land.8 Dersom Herren har velbehag i oss, så fører han oss inn i dette land og gir oss det - et land som flyter med melk og honning.9 Sett eder bare ikke op mot Herren og vær ikke redde for folket i det land, for vi skal fortære dem som det var brød; deres vern er veket fra dem, og Herren er med oss, vær ikke redde for dem!10 Da vilde hele menigheten stene dem; men Herrens herlighet åpenbarte sig i sammenkomstens telt for alle Israels barn.11 Og Herren sa til Moses: Hvor lenge skal dette folk forakte mig, og hvor lenge vil de la være å tro på mig, enda jeg har gjort så mange tegn iblandt dem?12 Jeg vil slå dem med pest og utrydde dem, og så vil jeg gjøre dig til et større og sterkere folk enn dette.13 Da sa Moses til Herren: Egypterne har hørt at du med din kraft har ført dette folk ut fra dem,14 og de har sagt det til dette lands innbyggere; de har hørt at du, Herre, er midt iblandt dette folk, at du, Herre, har åpenbaret dig for dem øie til øie, og at din sky står over dem, og at du går foran dem i en skystøtte om dagen og i en ildstøtte om natten.15 Men dreper du nu dette folk, alle som en, da kommer hedningene, som har hørt ditt ry, til å si:16 Herren maktet ikke å føre dette folk inn i det land han hadde tilsvoret dem, derfor slaktet han dem ned i ørkenen.17 Men la nu din kraft, Herre, vise sig stor, som du har talt og sagt:18 Herren er langmodig og rik på miskunnhet, han forlater misgjerning og overtredelse; men han lar ikke den skyldige ustraffet, han hjemsøker fedres misgjerning på barn, på dem i tredje og på dem i fjerde ledd.19 Tilgi da dette folk dets misgjerning efter din store miskunnhet, som du har tilgitt dem hele veien fra Egypten og hit!20 Da sa Herren: Jeg har tilgitt dem efter ditt ord.21 Men sa sant jeg lever og hele jorden er full av Herrens herlighet,22 så skal alle de menn som har sett min herlighet og de tegn som Jeg har gjort i Egypten og i ørkenen, og som nu har fristet mig ti ganger og ikke hørt på min røst,23 sannelig, de skal ikke se det land jeg bar tilsvoret deres fedre; ingen som har foraktet mig, skal få se det24 Men min tjener Kaleb - fordi det var en annen ånd i ham, og han trolig fulgte mig, så vil jeg føre ham inn i det land han har vært i, og hans ætt skal eie det.25 Men amalekittene og kana'anittene bor her i dalen; vend derfor om imorgen og dra ut i ørkenen på veien til det Røde Hav!26 Og Herren talte til Moses og Aron og sa:27 Hvor lenge skal denne onde menighet holde på å knurre mot mig? Jeg har hørt Israels barns knurr, hvorledes de knurrer mot mig.28 Si til dem: Så sant jeg lever, sier Herren: Som I har talt for mine ører*, således vil jeg gjøre med eder: / {* 4MO 14, 2.}29 I denne ørken skal eders døde kropper falle, alle de blandt eder som blev mønstret, så mange som I er, fra tyveårsalderen og opover, I som har knurret mot mig;30 sannelig, I skal ikke komme inn i det land som jeg med opløftet hånd har svoret å ville la eder bo i, undtagen Kaleb, Jefunnes sønn, og Josva, Nuns sønn.31 Eders barn, som I sa vilde bli til rov, dem vil jeg føre der inn, og de skal lære det land å kjenne som I har ringeaktet.32 Men eders døde kropper skal falle i denne ørken.33 Og eders barn skal flakke om som hyrder i ørkenen i firti år og bøte for eders utroskap mot Herren, inntil I alle er blitt til lik i ørkenen.34 Likesom I utspeidet landet i firti dager, således skal I lide for eders misgjerninger i firti år, et år for hver dag; og I skal kjenne at jeg har vendt mig bort fra eder.35 Jeg, Herren, har sagt: Sannelig, således vil jeg gjøre med hele denne onde menighet, som har sammensvoret sig mot mig; her i ørkenen skal de gå til grunne, her skal de dø.36 De menn som Moses hadde sendt for å utspeide landet, og som var kommet tilbake og hadde fått hele menigheten til å knurre mot ham ved å tale ille om landet,37 disse menn, som hadde talt ille om landet, blev slått ned for Herrens åsyn og døde.38 Bare Josva, Nuns sønn, og Kaleb, Jefunnes sønn, blev i live av de menn som var gått avsted for å utspeide landet.39 Og Moses bar disse ord frem for alle Israels barn; da sørget folket sårt.40 Og de stod tidlig op om morgenen og drog opover mot fjellhøiden og sa: Se, her er vi, og vi vil dra op til det sted som Herren har talt om; for vi har syndet.41 Men Moses sa: Hvorfor overtreder I Herrens bud? Det vil ikke lykkes.42 Dra ikke der op! For Herren er ikke blandt eder, I kommer bare til å bli slått av eders fiender.43 For amalekittene og kana'anittene vil møte eder der, og I skal falle for sverdet, fordi I har vendt eder bort fra Herren, og Herren vil ikke være med eder.44 Men de drog i overmodig tross op til fjellhøiden; men Herrens pakts ark og Moses forlot ikke leiren.45 Da kom amalekittene og kana'anittene, som bodde der på fjellet, ned og slo dem sønder og sammen og forfulgte dem like til Horma.