Publicidade

Números 24

1 At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang. 2 At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya. 3 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; 4 Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios, Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: 5 Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel! 6 Gaya ng mga libis na nalalatag, Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog, Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig. 7 Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib, At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig, At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag, At ang kaniyang kaharian ay mababantog. 8 Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto; May lakas na gaya ng mabangis na toro: Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway, At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto, At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana. 9 Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo. 10 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo. 11 Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan. 12 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi, 13 Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain? 14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw. 15 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; 16 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: 17 Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. 18 At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang. 19 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi. 20 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa. 21 At kaniyang minasdan ang Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Matibay ang iyong dakong tahanan, At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato. 22 Gayon ma'y mawawasak ang Cain, Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur. 23 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito? 24 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng Cittim. At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang Eber, At siya man ay mapupuksa. 25 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.

1 Da Bileam så at det var Herrens vilje at han skulde velsigne Israel, gikk han ikke bort for å søke tegn, som han hadde gjort de to første ganger, men vendte sig mot ørkenen.2 Og Bileam løftet sine øine og så Israel leiret efter sine stammer. Da kom Guds Ånd over ham,3 og han tok til å kvede og sa: Så sier Bileam, Beors sønn, så sier mannen hvis øie er lukket*, / {* nemlig for den ytre verden.}4 så sier han som hører ord fra Gud, som skuer syner fra den Allmektige, segnet til jorden med oplatt øie:5 Hvor fagre er dine telt, Jakob, dine boliger, Israel!6 Som vide bekkedaler, som haver ved en elv, som aloëtrær Herren har plantet, som sedrer ved vannet!7 Det strømmer vann av hans spann, og hans ætt bor ved store vann. Mektigere enn Agag* skal hans konge være, ophøiet hans kongerike! / {* sannsynligvis et felles navn på amalekittenes konger; 1SA 15, 8.}8 Gud førte ham ut av Egypten; styrke har han som en villokse; han skal fortære hedningefolkene som står ham imot, og knuse deres ben og gjennembore dem med sine piler.9 Han legger sig, han hviler som en løve, som en løvinne; hvem våger å vekke ham? Velsignet være den som velsigner dig, og forbannet den som forbanner dig!10 Da optendtes Balaks vrede mot Bileam, og han slo sine hender sammen. Og Balak sa til Bileam: Jeg kalte dig hit for å forbanne mine fiender, og nu har du velsignet tre ganger.11 Far nu hjem så fort du kan! Jeg hadde tenkt å vise dig ære, men du ser Herren har nektet dig den.12 Bileam svarte Balak: Sa jeg ikke allerede til de bud du sendte til mig:13 Om Balak gav mig sitt hus fullt av sølv og gull, kunde jeg ikke overtrede Herrens ord og gjøre noget efter mitt eget tykke, enten godt eller ondt; jeg kan ikke tale annet enn hvad Herren sier.14 Se, jeg vender nu hjem til mitt folk; men la mig først varsle dig om hvad dette folk skal gjøre med ditt folk i de siste dager*. / {* 1MO 49, 1.}15 Og han tok til å kvede og sa: Så sier Bileam, Beors sønn, så sier mannen hvis øie er lukket,16 så sier han som hører ord fra Gud og har fått kunnskap fra den Høieste, han som skuer syner fra den Allmektige, segnet til jorden med oplatt øie:17 Jeg ser ham, men ikke nu, jeg skuer ham, men ikke nær; en stjerne stiger op av Jakob, et spir løfter sig fra Israel; han knuser Moabs tinninger og utrydder ufreds-ætten.18 Edom blir ham underlagt, og Se'ir, hans fiende, blir ham underlagt; stort velde vinner Israel.19 En hersker går ut fra Jakob, han utrydder av byene dem som har reddet sig dit.20 Så fikk han se amalekittene; da tok han til å kvede og sa: Det første blandt hedningefolkene er Amalek; men til sist skal han gå til grunne.21 Så fikk han se kenittene, og han tok til å kvede og sa: Fast er din bolig, og bygget på klippen ditt rede;22 men enda skal Kain* bli ødelagt når Assur fører dig bort i fangenskap. / {* kenittenes stamfar står i stedet for folket selv.}23 Så tok han igjen til å kvede og sa: Ve! Hvem skal bli i live når Gud lar dette skje?24 Skiber kommer fra Kittims kyst*, de kuer Assur, og de kuer Eber; men også han** skal gå til grunne. / {* Kittim er egentlig Kypern, og i videre mening øene og kystene nordvest for Jødeland.} / {** han som kommer fra Kittims kyst.}25 Så gjorde Bileam sig rede og vendte hjem igjen; og Balak drog også sin vei.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue