Publicidade

1 Crônicas 17

1 At nangyari, nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay, na sinabi ni David kay Nathan na propeta, Narito, ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong. 2 At sinabi ni Nathan kay David, Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo. 3 At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi, 4 Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan: 5 Sapagka't hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel, hanggang sa araw na ito; kundi ako'y yumaon sa tolda at tolda, at sa tabernakulo, at tabernakulo. 6 Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro? 7 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel: 8 At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa. 9 At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel, at itatatag sila, upang sila'y mangakatahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una, 10 At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway. Bukod dito'y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay. 11 At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian. 12 Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man. 13 Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo: 14 Kundi siya'y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. 15 Ayon sa lahat na salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito, ay gayon sinalita ni Nathan kay David. 16 Nang magkagayo'y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon; at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking bahay na ako'y dinala mo sa ganyang kalayo? 17 At ito'y munting bagay sa harap ng iyong mga mata, Oh Dios; nguni't iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating, at ako'y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan, Oh Panginoong Dios. 18 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo, tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod. 19 Oh Panginoon, dahil sa iyong lingkod, at ayon sa iyong sariling puso, ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito. 20 Oh Panginoon, walang gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig. 21 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel, na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan, upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay, sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan, na iyong tinubos sa Egipto? 22 Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios. 23 At ngayon, Oh Panginoon, matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man, at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita. 24 At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa, at dakilain magpakailan man, na sabihin, Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel, sa makatuwid baga'y Dios sa Israel: at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo. 25 Sapagka't ikaw, Oh aking Dios, napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay: kaya't pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo. 26 At ngayon, Oh Panginoon, ikaw ang Dios, at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod: 27 At ngayo'y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't iyong pinagpala, Oh Panginoon, at yao'y magiging mapalad magpakailan man.

1 Now it came to pass, as David sat in his house, that David said to Nathan the prophet, Lo, I dwell in a house of cedars, but the ark of the covenant of the LORD remains under curtains.2 Then Nathan said unto David, Do all that is in your heart; for God is with you.3 And it came to pass the same night, that the word of God came to Nathan, saying,4 Go and tell David my servant, Thus says the LORD, You shall not build me a house to dwell in:5 For I have not dwelt in a house since the day that I brought up Israel unto this day; but have gone from tent to tent, and from one tabernacle to another.6 Wherever I have walked with all Israel, spoke I a word to any of the judges of Israel, whom I commanded to feed my people, saying, Why have you not built me a house of cedars?7 Now therefore thus shall you say unto my servant David, Thus says the LORD of hosts, I took you from the sheepfold, even from following the sheep, that you should be ruler over my people Israel:8 And I have been with you wherever you have walked, and have cut off all your enemies from before you, and have made you a name like the name of the great men that are in the earth.9 Also I will appoint a place for my people Israel, and will plant them, and they shall dwell in their place, and shall be moved no more; neither shall the children of wickedness oppress them any more, as at the beginning,10 And since the time that I commanded judges to be over my people Israel. Moreover I will subdue all your enemies. Furthermore I tell you that the LORD will build you a house.11 And it shall come to pass, when your days are ended that you must go to be with your fathers, that I will raise up your descendant after you, who shall be of your sons; and I will establish his kingdom.12 He shall build me a house, and I will establish his throne forever.13 I will be his father, and he shall be my son: and I will not take my mercy away from him, as I took it from him that was before you:14 But I will settle him in my house and in my kingdom forever: and his throne shall be established forevermore.15 According to all these words, and according to all this vision, so did Nathan speak unto David.16 And David the king came and sat before the LORD, and said, Who am I, O LORD God, and what is my house, that you have brought me this far?17 And yet this was a small thing in your eyes, O God; for you have also spoken of your servant’s house for a great while to come, and have regarded me according to the estate of a man of high degree, O LORD God.18 What can David speak more to you for the honor of your servant? for you know your servant.19 O LORD, for your servant’s sake, and according to your own heart, have you done all this greatness, in making known all these great things.20 O LORD, there is none like you, neither is there any God beside you, according to all that we have heard with our ears.21 And what one nation in the earth is like your people Israel, whom God went to redeem to be his own people, to make you a name of greatness and awesomeness, by driving out nations from before your people, whom you have redeemed out of Egypt?22 For your people Israel did you make your own people forever; and you, LORD, became their God.23 Therefore now, LORD, let the thing that you have spoken concerning your servant and concerning his house be established forever, and do as you have said.24 Let it even be established, that your name may be magnified forever, saying, The LORD of hosts is the God of Israel, even a God to Israel: and let the house of David your servant be established before you.25 For you, O my God, have told your servant that you will build him a house: therefore your servant has found in his heart to pray before you.26 And now, LORD, you are God, and have promised this goodness unto your servant:27 Now therefore let it please you to bless the house of your servant, that it may be before you forever: for you bless, O LORD, and it shall be blessed forever.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-