1 At nangyari, pagkatapos nito, na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay namatay, at ang kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 2 At sinabi ni David, Ako'y magpapakita ng kagandahang loob kay Hanan na anak ni Naas, sapagka't ang kaniyang ama ay nagpakita ng kagandahang loob sa akin. Sa gayo'y nagsugo si David ng mga sugo upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At ang mga lingkod ni David ay naparoon sa lupain ng mga anak ni Ammon kay Hanan, upang aliwin siya. 3 Nguni't sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanan: Inaakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama, na siya'y nagsugo ng mga mangaaliw sa iyo? hindi ba ang kaniyang mga lingkod ay nagsiparito sa iyo upang kilalanin, at upang gibain, at upang tiktikan ang lupain? 4 Sa gayo'y sinunggaban ni Hanan ang mga lingkod ni David, at inahitan, at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna hanggang sa kanilang pigi, at sila'y pinayaon. 5 Nang magkagayo'y may nagsiparoong ilan at nagsipagsaysay kay David kung paanong dinuwahagi ang mga lalake. At kaniyang sinugong salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay nangapahiyang mainam. At sinabi ng hari, Kayo'y magsipaghintay sa Jerico hanggang sa ang inyong balbas ay tumubo, at kung magkagayo'y magsibalik kayo. 6 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, si Hanan at ang mga anak ni Ammon ay nagpadala ng isang libong talentong pilak, upang mangupahan sila ng mga karo at mga mangangabayo na mula sa Mesopotamia, at mula sa Aram-maacha, at mula sa Soba. 7 Sa gayo'y nangupahan sila ng tatlongpu't dalawang libong karo, at sa hari sa Maacha at sa kaniyang bayan; na siyang pumaroon at humantong sa harap ng Medeba. At ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan mula sa kanilang mga bayan, at nagsiparoon upang makipagbaka. 8 At nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake. 9 At ang mga anak ni Ammon, ay nagsilabas, at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pintuan ng bayan: at ang mga hari na nagsiparoon ay nangagisa sa parang. 10 Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nahahanay laban sa kaniya sa harapan at sa likuran, pinili niya yaong mga piling lalake ng Israel, at inihanay laban sa mga taga Siria. 11 At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ipinamahala sa kapangyarihan ng kaniyang kapatid na si Abisai, at sila'y nagsihanay laban sa mga anak ni Ammon. 12 At sinabi niya, Kung ang mga taga Siria ay manaig sa akin, iyo ngang tutulungan ako: nguni't kung ang mga anak ni Ammon ay manaig sa iyo, akin ngang tutulungan ka. 13 Magpakatapang kang mabuti, at tayo'y magpakalalake para sa ating bayan, at sa mga bayan ng ating Dios: at gawin ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti. 14 Sa gayo'y si Joab at ang bayan na nasa kaniya ay nagsilapit sa harap ng mga taga Siria sa pakikipagbaka; at sila'y nagsitakas sa harap niya. 15 At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas, sila ma'y nagsitakas sa harap ni Abisai na kaniyang kapatid, at nagsipasok sa bayan. Nang magkagayo'y si Joab ay naparoon sa Jerusalem. 16 At nang makita ng mga taga Siria na sila'y nalagay sa kasamaan sa harap ng Israel, sila'y nagsipagsugo ng mga sugo, at dinala ang mga taga Siria na nandoon sa dako roon ng Ilog, na kasama ni Sophach na punong kawal ng hukbo ni Adarezer sa kanilang unahan. 17 At nasaysay kay David; at kaniyang pinisan ang buong Israel, at tumawid sa Jordan, at naparoon sa kanila, at humanay laban sa kanila. Sa gayo'y nang humanay sa pakikipagbaka si David laban sa mga taga Siria, sila'y nangakipaglaban sa kaniya. 18 At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at si David ay pumatay sa mga taga Siria ng mga tao sa pitong libong karo, at apat na pung libong naglalakad, at pinatay si Sophach na pinunong kawal ng hukbo. 19 At nang makita ng mga lingkod ni Adarezer na sila'y nangalagay sa kasamaan sa harap ng Israel, sila'y nakipagpayapaan kay David, at nangaglingkod sa kaniya: ni hindi na tumulong pa ang mga taga Siria sa mga anak ni Ammon.
1 Now it came to pass after this, that Nahash the king of the children of Ammon died, and his son reigned in his stead.2 And David said, I will show kindness unto Hanun the son of Nahash, because his father showed kindness to me. And David sent messengers to comfort him concerning his father. So the servants of David came into the land of the children of Ammon to Hanun, to comfort him.3 But the princes of the children of Ammon said to Hanun, Think you that David does honor your father, that he has sent comforters unto you? are not his servants come unto you to search, and to overthrow, and to spy out the land?4 Therefore Hanun took David’s servants, and shaved them, and cut off their garments in the middle at their buttocks, and sent them away.5 Then there went certain, and told David how the men were treated. And he sent to meet them: for the men were greatly ashamed. And the king said, Remain at Jericho until your beards are grown, and then return.6 And when the children of Ammon saw that they had made themselves repulsive to David, Hanun and the children of Ammon sent a thousand talents of silver to hire themselves chariots and horsemen out of Mesopotamia, and out of Aram-maachah, and out of Zobah.7 So they hired thirty and two thousand chariots, and the king of Maachah and his people; who came and encamped before Medeba. And the children of Ammon gathered themselves together from their cities, and came to battle.8 And when David heard of it, he sent Joab, and all the army of the mighty men.9 And the children of Ammon came out, and put the battle in array before the gate of the city: and the kings that had come were by themselves in the field.10 Now when Joab saw that the battle was set against him in front and behind, he chose out of all the choice of Israel, and put them in array against the Syrians.11 And the rest of the people he delivered unto the hand of Abishai his brother, and they set themselves in array against the children of Ammon.12 And he said, If the Syrians are too strong for me, then you shall help me: but if the children of Ammon are too strong for you, then I will help you.13 Be of good courage, and let us fight valiantly for our people, and for the cities of our God: and let the LORD do that which is good in his sight.14 So Joab and the people that were with him drew near before the Syrians unto the battle; and they fled before him.15 And when the children of Ammon saw that the Syrians were fled, they likewise fled before Abishai his brother, and entered into the city. Then Joab came to Jerusalem.16 And when the Syrians saw that they were defeated before Israel, they sent messengers, and brought forth the Syrians that were beyond the river: and Shophach the captain of the army of Hadadezer went before them.17 And it was told David; and he gathered all Israel, and passed over the Jordan, and came upon them, and set the battle in array against them. So when David had put the battle in array against the Syrians, they fought with him.18 But the Syrians fled before Israel; and David slew of the Syrians seven thousand men who fought in chariots, and forty thousand footmen, and killed Shophach the captain of the army.19 And when the servants of Hadadezer saw that they were defeated before Israel, they made peace with David, and became his servants: neither would the Syrians help the children of Ammon any more.