1 Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; ang panghuhuli ay hindi tumitigil. 2 Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo, 3 Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay; 4 Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto. 5 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan. 6 At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya. 7 At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo? 8 Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat? 9 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong. 10 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala. 11 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway. 12 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain. 13 Narito, ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang. 14 Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo. 15 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang. 16 Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad. 17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon. 18 Ang iyong mga pastor ay nangatutulog, Oh hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila. 19 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?
1 Woe to the bloody city! it is all full of lies and robbery; the victim departs not;2 The noise of a whip, and the noise of the rattling of the wheels, and of the prancing horses, and of the jolting chariots.3 The horseman lifts up both the bright sword and the glittering spear: and there is a multitude of slain, and a great number of dead bodies; and there is no end of their corpses; they stumble over the corpses:4 Because of the multitude of the harlotries of the seductive harlot, the mistress of sorceries, that sells nations through her harlotries, and peoples through her sorceries.5 Behold, I am against you, says the LORD of hosts; and I will uncover your skirts over your face, and I will show the nations your nakedness, and the kingdoms your shame.6 And I will cast abominable filth upon you, and make you vile, and will make you a spectacle.7 And it shall come to pass, that all they that look upon you shall flee from you, and say, Nineveh is laid waste: who will bemoan her? where shall I seek comforters for you?8 Are you better than No Amon, that was situated among the rivers, that had the waters round about it, whose rampart was the sea, and her wall was the sea?9 Ethiopia and Egypt were her strength, and it was without limit; Put and Lubim were your helpers.10 Yet was she carried away, she went into captivity: her young children also were dashed in pieces at the head of all the streets: and they cast lots for her honorable men, and all her great men were bound in chains.11 You also shall be drunk: you shall be hidden, you also shall seek refuge from the enemy.12 All your strongholds shall be like fig trees with the first ripe figs: if they are shaken, they shall even fall into the mouth of the eater.13 Behold, your troops in the midst of you are women: the gates of your land shall be set wide open unto your enemies: the fire shall devour the bars of your gates.14 Draw your water for the siege, fortify your strongholds: go into the clay, and tread the mortar, make strong the brick kiln.15 There shall the fire devour you; the sword shall cut you off, it shall eat you up like the locust: make yourself many like the locust, make yourself many like the swarming locusts.16 You have multiplied your merchants more than the stars of heaven: the locust plunders, and flies away.17 Your princes are like the locusts, and your officials like the great grasshoppers, which camp in the hedges on the cold day, but when the sun arises they flee away, and their place is not known where they are.18 Your shepherds slumber, O king of Assyria: your nobles shall dwell in the dust: your people are scattered upon the mountains, and no man gathers them.19 There is no healing of your bruise; your wound is grievous: all that hear the report of you shall clap their hands over you: for upon whom has not your wickedness passed continually?