1 Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta. 2 Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas. 3 Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon. 4 Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko. 5 Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo. 6 Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila. 7 Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili. 8 Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal. 9 Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin. 10 Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop. 11 Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios. 12 Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway. 13 Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya; 14 At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila? 15 Kaniyang binubuhat ng bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya. 16 Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana. 17 Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa.
1 The burden which Habakkuk the prophet did see.2 O LORD, how long shall I cry, and you will not hear! even cry out unto you of violence, and you will not save!3 Why do you show me iniquity, and cause me to behold trouble? for plundering and violence are before me: and there are those that raise up strife and contention.4 Therefore the law is slacked, and justice does never go forth: for the wicked does surround the righteous; therefore perverse judgment proceeds.5 Behold you among the nations, and regard, and wonder and be astonished: for I will work a work in your days, which you will not believe, though it be told you.6 For, lo, I raise up the Chaldeans, that bitter and hasty nation, which shall march through the breadth of the earth, to possess the dwelling places that are not theirs.7 They are terrible and dreadful: their judgment and their dignity shall proceed from themselves.8 Their horses also are swifter than the leopards, and are more fierce than the evening wolves: and their horsemen press proudly on, their horsemen shall come from afar; they shall fly as the eagle that hastens to eat.9 They shall all come for violence: their faces are set like the east wind, and they shall gather captives as the sand.10 And they shall scoff at the kings, and the princes shall be a scorn unto them: they shall deride every stronghold; for they shall heap up earth, and take it.11 Then shall his mind change, and he shall transgress, and offend, ascribing this his power unto his god.12 Are you not from everlasting, O LORD my God, my Holy One? we shall not die. O LORD, you have ordained them for judgment; and, O mighty God, you have established them for correction.13 You are of purer eyes than to behold evil, and can not look on iniquity: why do you look upon them that deal treacherously, and hold your tongue when the wicked devours the man that is more righteous than he?14 And make men like the fish of the sea, like the creeping things, that have no ruler over them?15 They take up all of them with the hook, they catch them in their net, and gather them in their dragnet: therefore they rejoice and are glad.16 Therefore they sacrifice unto their net, and burn incense unto their dragnet; because by them their portion is luxurious, and their food plentiful.17 Shall they therefore empty their net, and continually slay the nations without mercy?