1 At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; 2 At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. 3 At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. 4 Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; 5 At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. 6 At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. 7 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. 8 Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan. 9 At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. 10 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. 11 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan. 12 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay ipagaalis mo sa dakong ito: 13 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin. 14 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya. 15 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan. 16 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan. 17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay. 18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko: 19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay. 20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako. 21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita. 22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar. 23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar. 24 Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; 25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon. 26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin. 27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon. 28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno. 29 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot. 30 At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae. 31 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan: 32 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama. 33 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon. 34 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama. 35 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon. 36 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama. 37 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito. 38 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Ben-ammi: na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon.
1 And there came two angels to Sodom at evening; and Lot sat in the gate of Sodom: and Lot seeing them rose up to meet them; and he bowed himself with his face toward the ground;2 And he said, Behold now, my lords, turn in, I pray you, into your servant's house, and tarry all night, and wash your feet, and you shall rise up early, and go on your way. And they said, Nay; but we will abide in the street all night.3 And he pressed upon them greatly; and they turned in unto him, and entered into his house; and he made them a feast, and did bake unleavened bread, and they did eat.4 But before they lay down, the men of the city, even the men of Sodom, surrounded the house, both old and young, all the people from every quarter:5 And they called unto Lot, and said unto him, Where are the men who came in to you this night? bring them out unto us, that we may know them.6 And Lot went out at the door unto them, and shut the door after him,7 And said, I pray you, brethren, do not act so wickedly.8 Behold now, I have two daughters who have not known a man; let me, I pray you, bring them out unto you, and do you to them as is good in your eyes: only unto these men do nothing; for therefore came they under the shadow of my roof.9 And they said, Stand back. And they said again, This one fellow came in to sojourn, and he will needs be a judge: now will we deal worse with you, than with them. And they pressed hard upon the man, even Lot, and came near to break the door.10 But the men put forth their hand, and pulled Lot into the house to them, and shut the door.11 And they smote the men that were at the door of the house with blindness, both small and great: so that they wearied themselves trying to find the door.12 And the men said unto Lot, Have you here any besides? son-in- law, and your sons, and your daughters, and whatsoever you have in the city, bring them out of this place:13 For we will destroy this place, because the cry against them has become great before the face of the LORD; and the LORD has sent us to destroy it.14 And Lot went out, and spoke unto his sons-in-law, who married his daughters, and said, Up, get you out of this place; for the LORD will destroy this city. But he seemed as one that mocked unto his sons-in-law.15 And when the morning arose, then the angels rushed Lot, saying, Arise, take your wife, and your two daughters, who are here; lest you be consumed in the iniquity of the city.16 And while he lingered, the men laid hold upon his hand, and upon the hand of his wife, and upon the hand of his two daughters; the LORD being merciful unto him: and they brought him forth, and set him outside the city.17 And it came to pass, when they had brought them forth outside, that he said, Escape for your life; look not behind you, neither stay in all the plain; escape to the mountain, lest you be consumed.18 And Lot said unto them, Oh, not so, my Lord:19 Behold now, your servant has found grace in your sight, and you have magnified your mercy, which you have showed unto me in saving my life; and I cannot escape to the mountain, lest some evil overtake me, and I die:20 Behold now, this city is near to flee unto, and it is a little one: Oh, let me escape there, (is it not a little one?) and my soul shall live.21 And he said unto him, See, I have accepted you concerning this thing also, that I will not overthrow this city, for which you have spoken.22 Haste you, escape there for I cannot do anything till you are come there. Therefore the name of the city was called Zoar.23 The sun was risen upon the earth when Lot entered into Zoar.24 Then the LORD rained upon Sodom and upon Gomorrah brimstone and fire from the LORD out of heaven;25 And he overthrew those cities, and all the plain, and all the inhabitants of the cities, and that which grew upon the ground.26 But his wife looked back from behind him, and she became a pillar of salt.27 And Abraham got up early in the morning to the place where he stood before the LORD:28 And he looked toward Sodom and Gomorrah, and toward all the land of the plain, and beheld, and, lo, the smoke of the country went up as the smoke of a furnace.29 And it came to pass, when God destroyed the cities of the plain, that God remembered Abraham, and sent Lot out of the midst of the overthrow, when he overthrew the cities in which Lot dwelt.30 And Lot went up out of Zoar, and dwelt in the mountain, and his two daughters with him; for he feared to dwell in Zoar: and he dwelt in a cave, he and his two daughters.31 And the firstborn said unto the younger, Our father is old, and there is not a man on the earth to come in unto us after the manner of all the earth:32 Come, let us make our father drink wine, and we will lie with him, that we may preserve descendants of our father.33 And they made their father drink wine that night: and the firstborn went in, and lay with her father; and he knew not when she lay down, nor when she arose.34 And it came to pass on the next day, that the firstborn said unto the younger, Behold, I lay last night with my father: let us make him drink wine this night also; and you go in, and lie with him, that we may preserve descendants of our father.35 And they made their father drink wine that night also: and the younger arose, and lay with him; and he knew not when she lay down, nor when she arose.36 Thus were both the daughters of Lot with child by their father.37 And the firstborn bore a son, and called his name Moab: the same is the father of the Moabites unto this day.38 And the younger, she also bore a son, and called his name Benammi: the same is the father of the children of Ammon unto this day.