1 Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh bansang walang kahihiyan; 2 Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon. 3 Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon. 4 Sapagka't ang Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot. 5 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat, bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan. 6 At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan. 7 At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag. 8 Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan. 9 Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pag-aari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa. 10 Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo. 11 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa. 12 Kayong mga taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak. 13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang. 14 At mga bakaha'y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro. 15 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.
1 Gather yourselves together, yea, gather together, O nation not desired;2 Before the decree comes forth, before the day passes like the chaff, before the fierce anger of the LORD comes upon you, before the day of the LORD'S anger comes upon you.3 Seek you the LORD, all you meek of the earth, who have kept his commands; seek righteousness, seek meekness: it may be you shall be hidden in the day of the LORD'S anger.4 For Gaza shall be forsaken, and Ashkelon shall be a desolation: they shall drive out Ashdod at the noon day, and Ekron shall be rooted up.5 Woe unto the inhabitants of the seacoast, the nation of the Cherethites! the word of the LORD is against you; O Canaan, the land of the Philistines, I will even destroy you, that there shall be no inhabitant.6 And the seacoast shall be dwellings and cottages for shepherds, and folds for flocks.7 And the coast shall be for the remnant of the house of Judah; they shall feed there: in the houses of Ashkelon shall they lie down in the evening: for the LORD their God shall visit them, and turn away their captivity.8 I have heard the reproach of Moab, and the revilings of the children of Ammon, by which they have reproached my people, and made boasts against their borders.9 Therefore as I live, says the LORD of hosts, the God of Israel, Surely Moab shall be as Sodom, and the children of Ammon as Gomorrah, even the breeding of weeds, and saltpits, and a perpetual desolation: the residue of my people shall plunder them, and the remnant of my people shall possess them.10 This shall they have because of their pride, because they have reproached and boasted themselves against the people of the LORD of hosts.11 The LORD will be terrible unto them: for he will famish all the gods of the earth; and men shall worship him, every one from his place, even all the coasts of the nations.12 You Ethiopians also, you shall be slain by my sword.13 And he will stretch out his hand against the north, and destroy Assyria; and will make Nineveh a desolation, and dry like a wilderness.14 And flocks shall lie down in the midst of her, all the beasts of the nations: both the vulture and the hedgehog shall lodge in her capitals; their voice shall sing in the windows; desolation shall be in the thresholds: for he shall lay bare her cedar work.15 This is the rejoicing city that dwelt securely, that said in her heart, I am, and there is none beside me: how has she become a desolation, a place for beasts to lie down in! everyone that passes by her shall hiss, and shake his fist.