Publicidade

Sofonias 3

1 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay! 2 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios. 3 Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. 4 Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan. 5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan. 6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan. 7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa. 8 Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho. 9 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. 10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. 11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok. 12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. 13 Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. 14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. 15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. 16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. 17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. 18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. 19 Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. 20 Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

1 Woe to her that is rebellious and defiled, to the oppressing city!2 She obeyed not the voice; she received not correction; she trusted not in the LORD; she drew not near to her God.3 Her princes within her are roaring lions; her judges are evening wolves; they leave not a bone till the morning.4 Her prophets are arrogant and treacherous persons: her priests have profaned the sanctuary, they have done violence to the law.5 The just LORD is in her midst; he will do no wrong: every morning does he bring his judgment to light, he fails not; but the unjust knows no shame.6 I have cut off the nations: their fortresses are desolate; I laid waste their streets, so that none passes by: their cities are destroyed, so that there is no man, there is no inhabitant.7 I said, Surely you will fear me, you will receive instruction; so her dwelling should not be cut off, no matter how I punished her: but they rose early, and corrupted all their deeds.8 Therefore wait upon me, says the LORD, until the day that I rise up for plunder: for my determination is to gather the nations, that I may assemble the kingdoms, to pour upon them my indignation, even all my fierce anger: for all the earth shall be devoured with the fire of my jealousy.9 For then will I restore to the people a pure language, that they may all call upon the name of the LORD, to serve him with one accord.10 From beyond the rivers of Ethiopia my worshipers, even the daughter of my dispersed, shall bring my offering.11 In that day shall you not be ashamed for all your deeds, in which you have transgressed against me: for then I will take away out of the midst of you those that rejoice in your pride, and you shall no more be haughty in my holy mountain.12 I will also leave in the midst of you an afflicted and poor people, and they shall trust in the name of the LORD.13 The remnant of Israel shall not do iniquity, nor speak lies; neither shall a deceitful tongue be found in their mouth: for they shall feed their flocks and lie down, and none shall make them afraid.14 Sing, O daughter of Zion; shout, O Israel; be glad and rejoice with all the heart, O daughter of Jerusalem.15 The LORD has taken away your judgments, he has cast out your enemy: the king of Israel, even the LORD, is in your midst: you shall not see harm any more.16 In that day it shall be said to Jerusalem, Fear not: and to Zion, Let not your hands be weak.17 The LORD your God in the midst of you is mighty; he will save, he will rejoice over you with joy; he will quiet you with his love, he will rejoice over you with singing.18 I will gather them that are sorrowful for the appointed assembly, who are among you, to whom the reproach of it was a burden.19 Behold, at that time I will deal with all that afflict you: and I will save her that is lame, and gather those that were driven out; and I will get them praise and fame in every land where they have been put to shame.20 At that time will I bring you again, even in the time that I gather you: for I will make you a name and a praise among all people of the earth, when I turn back your captivity before your eyes, says the LORD.

Veja também

Publicidade
Sofonias
Ver todos os capítulos de Sofonias
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-