Publicidade

Atos 20

1 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at umalis upang pumaroon sa Macedonia. 2 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia. 3 At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia. 4 At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo; at ni Gayo na taga Derbe, at ni Timoteo; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo. 5 Datapuwa't nangauna ang mga ito, at hinintay kami sa Troas. 6 At kami'y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan ng mga tinapay na walang lebadura, at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw; na doo'y nagsitira kaming pitong araw. 7 At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi. 8 At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin. 9 At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay. 10 At nanaog si Pablo, at dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay. 11 At nang siya'y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis. 12 At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw. 13 Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad. 14 At nang salubungin niya kami sa Ason, siya'y inilulan namin, at nagsiparoon kami sa Mitilene. 15 At pagtulak namin doon, ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto. 16 Sapagka't ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso, upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia; sapagka't siya'y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes. 17 At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia. 18 At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon, 19 Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio; 20 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay, 21 Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. 22 At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon: 23 Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin. 24 Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios. 25 At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha. 26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao. 27 Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios. 28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. 29 Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; 30 At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. 31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha. 32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal. 33 Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, o ang ginto, o ang pananamit. 34 Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan. 35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap. 36 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat. 37 At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila. 38 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong.

1 And after the uproar was ceased, Paul called unto him the disciples, and embraced them, and departed to go into Macedonia.2 And when he had gone through those parts, and had given them much exhortation, he came into Greece,3 And there abode three months. And when the Jews laid wait for him, as he was about to sail into Syria, he purposed to return through Macedonia.4 And there accompanied him into Asia Sopater of Berea; and of the Thessalonians, Aristarchus and Secundus; and Gaius of Derbe, and Timothy; and of Asia, Tychicus and Trophimus.5 These going before tarried for us at Troas.6 And we sailed away from Philippi after the days of unleavened bread, and came unto them at Troas in five days; where we abode seven days.7 And upon the first day of the week, when the disciples came together to break bread, Paul preached unto them, ready to depart on the next day; and continued his speech until midnight.8 And there were many lights in the upper chamber, where they were gathered together.9 And there sat in a window a certain young man named Eutychus, being fallen into a deep sleep: and as Paul was long preaching, he sunk down with sleep, and fell down from the third loft, and was taken up dead.10 And Paul went down, and fell upon him, and embracing him said, Trouble not yourselves; for his life is in him.11 When he therefore was come up again, and had broken bread, and eaten, and talked a long while, even till break of day, so he departed.12 And they brought the young man alive, and were not a little comforted.13 And we went ahead to the ship, and sailed unto Assos, there intending to take aboard Paul: for so had he appointed, intending himself to go on foot.14 And when he met with us at Assos, we took him aboard, and came to Mitylene.15 And we sailed from there, and came the next day opposite Chios; and the next day we arrived at Samos, and tarried at Trogyllium; and the next day we came to Miletus.16 For Paul had determined to sail past Ephesus, because he would not spend the time in Asia: for he hastened, if it were possible for him, to be at Jerusalem the day of Pentecost.17 And from Miletus he sent to Ephesus, and called the elders of the church.18 And when they were come to him, he said unto them, You know, from the first day that I came into Asia, after what manner I have been with you at all times,19 Serving the Lord with all humility of mind, and with many tears, and temptations, which befell me by the lying in wait of the Jews:20 And how I kept back nothing that was profitable unto you, but have showed you, and have taught you publicly, and from house to house,21 Testifying both to the Jews, and also to the Greeks, repentance toward God, and faith toward our Lord Jesus Christ.22 And now, behold, I go bound in the spirit unto Jerusalem, not knowing the things that shall befall me there:23 Except that the Holy Spirit witnesses in every city, saying that bonds and afflictions await me.24 But none of these things move me, neither count I my life dear unto myself, so that I might finish my course with joy, and the ministry, which I have received of the Lord Jesus, to testify the gospel of the grace of God.25 And now, behold, I know that you all, among whom I have gone preaching the kingdom of God, shall see my face no more.26 Therefore I testify to you this day, that I am pure from the blood of all men.27 For I have not shunned to declare unto you all the counsel of God.28 Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over which the Holy Spirit has made you overseers, to feed the church of God, which he has purchased with his own blood.29 For I know this, that after my departing shall grievous wolves enter in among you, not sparing the flock.30 Also of your own selves shall men arise, speaking perverse things, to draw away disciples after them.31 Therefore watch, and remember, that by the space of three years I ceased not to warn everyone night and day with tears.32 And now, brethren, I commend you to God, and to the word of his grace, which is able to build you up, and to give you an inheritance among all them who are sanctified.33 I have coveted no man's silver, or gold, or apparel.34 Yea, you yourselves know, that these hands have ministered unto my necessities, and to them that were with me.35 I have showed you all things, how that so laboring you ought to support the weak, and to remember the words of the Lord Jesus, how he said, It is more blessed to give than to receive.36 And when he had thus spoken, he kneeled down, and prayed with them all.37 And they all wept much, and fell on Paul's neck, and kissed him,38 Sorrowing most of all for the words which he spoke, that they should see his face no more. And they accompanied him unto the ship.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-