1 At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto. 2 At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica. 3 At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon: at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo, at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan, at siya'y magpakaginhawa. 4 At nang kami'y magsitulak buhat doon, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre, sapagka't pasalunga ang hangin. 5 At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, ay nagsirating kami sa Mira, na isang bayan ng Licia. 6 At nasumpungan doon ng senturion ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia; at inilulan niya kami roon. 7 At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw, at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido, na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta, sa tapat ng Salmon; 8 At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan; na malapit doon ang bayan ng Lasea. 9 At nang magugol na ang mahabang panahon, at mapanganib na ang paglalayag, sapagka't nakalampas na ang Pagaayuno, ay pinamanhikan sila ni Pablo, 10 At sa kanila'y sinabi, Mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa daong, kundi naman sa ating mga buhay. 11 Datapuwa't may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong, kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo. 12 At sapagka't hindi bagay hintuan sa tagginaw ang daongan, ay ipinayo ng karamihan na tumulak mula roon, at baka sakaling sa anomang paraan ay makarating sila sa Fenix, at doon huminto sa tagginaw; na yao'y daungan ng Creta, na nasa dakong hilagang-silanganan at timugang-silanganan. 13 At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa, itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta. 14 Datapuwa't hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin, na tinatawag na Euraclidon: 15 At nang ipadpad ang daong, at hindi makasalungat sa hangin, ay nangagpabaya na kami, at kami'y ipinadpad. 16 At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda, ay may kahirapan naming maitaas ang bangka: 17 At nang maitaas na ito, ay nagsigamit sila ng mga lubid, na tinalian ang ibaba ng daong; at, sa takot na baka mapapadpad sa Sirte, ay ibinaba nila ang mga layag, at sa gayo'y napaanod sila. 18 At sapagka't lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo, nang sumunod na araw ay nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat; 19 At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong. 20 At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw, at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo, ay nawala ang buong pagasa na kami'y makaliligtas. 21 At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan. 22 At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob; sapagka't walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang daong lamang. 23 Sapagka't nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran, 24 Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag. 25 Kaya nga, mga ginoo, laksan ninyo ang inyong loob: sapagka't ako'y sumasampalataya sa Dios, na mangyayari ayon sa sinalita sa akin. 26 Datapuwa't tayo'y kailangang mapapadpad sa isang pulo. 27 Datapuwa't nang dumating ang ikalabingapat na gabi, samantalang kami'y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico, nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila'y nangalalapit na sa isang lupain. 28 At kanilang tinarok, at nasumpungang may dalawangpung dipa; at pagkasulongsulong ng kaunti, ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa. 29 At sa takot naming mapapadpad sa batuhan, ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan, at iniibig magumaga na. 30 At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong, at nang maibaba na ang bangka sa dagat, na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan, 31 Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong, kayo'y hindi mangakaliligtas. 32 Nang magkagayo'y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka, at pinabayaang mahulog. 33 At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman. 34 Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo. 35 At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain. 36 Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din. 37 At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu't anim na kaluluwa. 38 At nang mangabusog na sila, ay pinagaan nila ang daong, na ipinagtatapon sa dagat ang trigo. 39 At nang magumaga na, ay hindi nila makilala ang lupain; datapuwa't nababanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin, at sila'y nangagsangusapan kung kanilang maisasadsad ang daong doon. 40 At inihulog ang mga sinepete, at kanilang pinabayaan sa dagat, samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit; at nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan, ay nagsipatungo sila sa baybayin. 41 Datapuwa't pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, ay kanilang isinadsad ang daong; at ang unahan ng daong ay napabunggo at tumigil na hindi kumikilos, datapuwa't nagpasimulang magkawasakwasak ang hulihan sa kalakasan ng mga alon. 42 At ang payo ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo, upang ang sinoma'y huwag makalangoy at makatanan. 43 Datapuwa't ang senturion, sa pagkaibig na iligtas si Pablo, ay pinigil sila sa kanilang balak; at ipinagutos na ang mga makalangoy ay magsitalon, at mangaunang magsidating sa lupa; 44 At sa mga naiwan, ang iba'y sa mga kahoy, at ang iba nama'y sa mga bagay na galing sa daong. At sa ganito nangyari, na ang lahat ay nangakatakas na ligtas hanggang sa lupa.
1 And when it was determined that we should sail to Italy, they delivered Paul and certain other prisoners unto one named Julius, a centurion of Augustus' band.2 And entering into a ship of Adramyttium, we embarked, meaning to sail by the coasts of Asia; one Aristarchus, a Macedonian of Thessalonica, being with us.3 And the next day we put in at Sidon. And Julius courteously treated Paul, and gave him liberty to go unto his friends to refresh himself.4 And when we had put to sea from there, we sailed close to Cyprus, because the winds were contrary.5 And when we had sailed over the sea near Cilicia and Pamphylia, we came to Myra, a city of Lycia.6 And there the centurion found a ship of Alexandria sailing to Italy; and he put us on it.7 And when we had sailed slowly many days, and were hardly come off Cnidus, the wind not allowing us, we sailed close to Crete, off Salmone;8 And, with difficulty passing it, came unto a place which is called The Fair Havens; near to which was the city of Lasea.9 Now when much time was spent, and when sailing was now dangerous, because the fast was now already past, Paul admonished them,10 And said unto them, Sirs, I perceive that this voyage will be with hurt and much damage, not only of the cargo and ship, but also of our lives.11 Nevertheless the centurion believed the captain and the owner of the ship, more than those things which were spoken by Paul.12 And because the haven was not suitable to winter in, the majority advised to depart from there also, if by any means they might arrive at Phoenix, and there to winter; which is a haven of Crete, and opens toward the southwest and northwest.13 And when the south wind blew softly, supposing that they had obtained their purpose, raising anchor, they sailed close by Crete.14 But not long after there arose against it a tempestuous wind, called Euroclydon.15 And when the ship was caught, and could not bear up into the wind, we let her be driven.16 And running under a certain island which is called Cauda, we had much work to secure the boat:17 Which when they had hoisted it, they used helps, undergirding the ship; and, fearing lest they should fall into the quicksand, struck sail, and so were driven.18 And we being exceedingly tossed with a tempest, the next day they lightened the ship;19 And the third day we cast out with our own hands the tackling of the ship.20 And when neither sun nor stars in many days appeared, and no small tempest lay on us, all hope that we should be saved was then taken away.21 But after long abstinence Paul stood forth in the midst of them, and said, Sirs, you should have hearkened unto me, and not have set sail from Crete, and to have gained this harm and loss.22 And now I exhort you to be of good cheer: for there shall be no loss of any man's life among you, but of the ship.23 For there stood by me this night the angel of God, whose I am, and whom I serve,24 Saying, Fear not, Paul; you must be brought before Caesar: and, lo, God has given you all them that sail with you.25 Therefore, sirs, be of good cheer: for I believe God, that it shall be even as it was told me.26 However we must be cast upon a certain island.27 But when the fourteenth night was come, as we were driven up and down in Adria, about midnight the sailors deemed that they drew near to some country;28 And sounded, and found it twenty fathoms: and when they had gone a little further, they sounded again, and found it fifteen fathoms.29 Then fearing lest we should have fallen upon rocks, they cast four anchors out of the stern, and wished for the day.30 And as the sailors were about to flee out of the ship, when they had let down the boat into the sea, under pretense as though they would have cast anchors out of the bow,31 Paul said to the centurion and to the soldiers, Except these abide in the ship, you cannot be saved.32 Then the soldiers cut off the ropes of the boat, and let her fall off.33 And while the day was coming on, Paul besought them all to take food, saying, This day is the fourteenth day that you have tarried and continued fasting, having taken nothing.34 Therefore I pray you to take some food: for this is for your health: for there shall not a hair fall from the head of any of you.35 And when he had thus spoken, he took bread, and gave thanks to God in the presence of them all: and when he had broken it, he began to eat.36 Then were they all of good cheer, and they also took some food.37 And we were in all in the ship two hundred and seventy-six souls.38 And when they had eaten enough, they lightened the ship, and cast out the wheat into the sea.39 And when it was day, they knew not the land: but they discovered a certain bay with a shore, into which they were minded, if it were possible, to drive in the ship.40 And when they had taken up the anchors, they committed themselves unto the sea, and released the rudder bands, and hoisted up the foresail to the wind, and made toward shore.41 And falling into a place where two seas met, they ran the ship aground; and the bow stuck fast, and remained unmovable, but the stern was broken with the violence of the waves.42 And the soldiers' plan was to kill the prisoners, lest any of them should swim out, and escape.43 But the centurion, willing to save Paul, kept them from their purpose; and commanded that they who could swim should cast themselves first into the sea, and get to land:44 And the rest, some on boards, and some on broken pieces of the ship. And so it came to pass, that they escaped all safe to land.