1 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang: 2 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin. 3 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako. 4 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio; 5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo. 6 At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang; 7 Dahil sa pangakong ito'y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi't araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako'y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari! 8 Bakit inaakala ninyong ito'y hindi mapaniniwalaan, kung binubuhay ng Dios ang mga patay? 9 Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret. 10 At ginawa ko rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal, pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila. 11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain. 12 Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote, 13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko. 14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis. 15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig. 16 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo; 17 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita, 18 Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. 19 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan: 20 Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi. 21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin. 22 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari; 23 Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap, at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil. 24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol. 25 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan. 26 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok. 27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka. 28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano. 29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang sa mga tanikalang ito. 30 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila: 31 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala. 32 At sinabi ni Agripa kay Festo, mapalalaya sana ang taong ito, kung hindi naghabol kay Cesar.
1 Then Agrippa said unto Paul, You are permitted to speak for yourself. Then Paul stretched forth his hand, and answered for himself:2 I think myself happy, king Agrippa, because I shall answer for myself this day before you concerning all the things of which I am accused of the Jews:3 Especially because I know you to be expert in all customs and questions which are among the Jews: therefore I beseech you to hear me patiently.4 My manner of life from my youth, which was at the first among my own nation at Jerusalem, know all the Jews;5 Who knew me from the beginning, if they would testify, that after the most strict sect of our religion I lived a Pharisee.6 And now I stand and am judged for the hope of the promise made of God unto our fathers:7 Unto which promise our twelve tribes, instantly serving God day and night, hope to come. For which hope's sake, king Agrippa, I am accused of the Jews.8 Why should it be thought a thing incredible with you, that God should raise the dead?9 I verily thought with myself, that I ought to do many things contrary to the name of Jesus of Nazareth.10 Which thing I also did in Jerusalem: and many of the saints did I shut up in prison, having received authority from the chief priests; and when they were put to death, I gave my voice against them.11 And I punished them often in every synagogue, and compelled them to blaspheme; and being exceedingly mad against them, I persecuted them even unto foreign cities.12 Thus as I went to Damascus with authority and commission from the chief priests,13 At midday, O king, I saw in the way a light from heaven, above the brightness of the sun, shining round about me and them who journeyed with me.14 And when we were all fallen to the earth, I heard a voice speaking unto me, and saying in the Hebrew tongue, Saul, Saul, why do you persecute me? it is hard for you to kick against the goads.15 And I said, Who are you, Lord? And he said, I am Jesus whom you persecute.16 But rise, and stand upon your feet: for I have appeared unto you for this purpose, to make you a minister and a witness both of these things which you have seen, and of those things in which I will appear unto you;17 Delivering you from the people, and from the Gentiles, unto whom now I send you,18 To open their eyes, and to turn them from darkness to light, and from the power of Satan unto God, that they may receive forgiveness of sins, and inheritance among them who are sanctified by faith that is in me.19 Therefore, O king Agrippa, I was not disobedient unto the heavenly vision:20 But showed first unto them of Damascus, and at Jerusalem, and throughout all the country of Judea, and then to the Gentiles, that they should repent and turn to God, and do works befitting repentance.21 For these causes the Jews caught me in the temple, and went about to kill me.22 Having therefore obtained help of God, I continue unto this day, witnessing both to small and great, saying no other things than those which the prophets and Moses did say should come:23 That Christ should suffer, and that he should be the first that should rise from the dead, and should proclaim light unto the people, and to the Gentiles.24 And as he thus spoke for himself, Festus said with a loud voice, Paul, you are beside yourself; much learning does make you mad.25 But he said, I am not mad, most noble Festus; but speak forth the words of truth and good sense.26 For the king knows of these things, before whom also I speak freely: for I am persuaded that none of these things are hidden from him; for this thing was not done in a corner.27 King Agrippa, do you believe the prophets? I know that you believe.28 Then Agrippa said unto Paul, Almost you persuade me to be a Christian.29 And Paul said, I would to God, that not only you, but also all that hear me this day, were both almost, and altogether such as I am, except these bonds.30 And when he had thus spoken, the king rose up, and the governor, and Bernice, and they that sat with them:31 And when they were gone aside, they talked between themselves, saying, This man does nothing worthy of death or of bonds.32 Then said Agrippa unto Festus, This man might have been set at liberty, if he had not appealed unto Caesar.