Publicidade

Cânticos 7

1 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa. 2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila. 3 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa. 4 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco. 5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon. 6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran! 7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas. 8 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas; 9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog. 10 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin. 11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon. 12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta. 13 Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.

1 How beautiful are your feet in sandals, O prince's daughter! the curves of your thighs are like jewels, the work of the hands of a skillful craftsman.2 Your navel is like a round goblet, which lacks not blended drink: your belly is like a heap of wheat set about with lilies.3 Your two breasts are like two fawns that are twins of a gazelle.4 Your neck is as a tower of ivory; your eyes like the pools of Heshbon, by the gate of Bathrabbim: your nose is as the tower of Lebanon which looks toward Damascus.5 Your head crowns you like Carmel, and the hair of your head is like purple; the king is held captive by your tresses.6 How fair and how pleasant are you, O love, for your delights!7 This your stature is like to a palm tree, and your breasts to its clusters.8 I said, I will go up to the palm tree, I will take hold of its branches: may also your breasts be as clusters of the vine, and the fragrance of your breath like apples;9 And the roof of your mouth like the best wine for my beloved, that goes down sweetly, flowing gently over lips and teeth.10 I am my beloved's, and his desire is toward me.11 Come, my beloved, let us go forth into the field; let us lodge in the villages.12 Let us get up early to the vineyards; let us see if the vine has budded, whether the grape blossoms have opened, and the pomegranates are in bloom: there will I give you my loves.13 The mandrakes give a fragrance, and at our gates are all manner of pleasant fruits, new and old, which I have laid up for you, O my beloved.

Veja também

Publicidade
Cânticos
Ver todos os capítulos de Cânticos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-