Publicidade

Cânticos 3

1 Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. 2 Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. 3 Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa? 4 Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin. 5 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya. 6 Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal? 7 Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, sa mga makapangyarihang lalake ng Israel. 8 Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, dahil sa takot kung gabi. 9 Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano, 10 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem. 11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

1 By night on my bed I sought him whom my soul loves: I sought him, but I found him not.2 I will rise now, and go about the city in the streets, and in the squares I will seek him whom my soul loves: I sought him, but I found him not.3 The watchmen that go about the city found me: to whom I said, Saw you him whom my soul loves?4 It was but a little after I passed by them, when I found him whom my soul loves: I held him, and would not let him go, until I had brought him into my mother's house, and into the chamber of her that conceived me.5 I charge you, O you daughters of Jerusalem, by the gazelles or by the hinds of the field, that you stir not up, nor awake my love, till it pleases.6 Who is this that comes out of the wilderness like pillars of smoke, perfumed with myrrh and frankincense, with all the fragrant powders of the merchant?7 Behold the couch, which is Solomon's; threescore valiant men are about it, of the valiant of Israel.8 They all hold swords, being expert in war: every man has his sword upon his thigh because of fear in the night.9 King Solomon made himself a chariot of the wood of Lebanon.10 He made its posts of silver, its base of gold, the covering of its seat of purple, its interior being paved with love, by the daughters of Jerusalem.11 Go forth, O you daughters of Zion, and behold king Solomon with the crown with which his mother crowned him on the day of his wedding, and on the day of the gladness of his heart.

Veja também

Publicidade
Cânticos
Ver todos os capítulos de Cânticos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-