Publicidade

Cânticos 8

1 Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin. 2 Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada. 3 Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin. 4 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya. 5 Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo. 6 Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. 7 Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain. 8 Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap? 9 Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro. 10 Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan. 11 Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak. 12 Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan. 13 Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin. 14 Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia.

1 O that you were as my brother, that nursed at the breasts of my mother! if I should find you outside, I would kiss you; yea, I would not be despised.2 I would lead you, and bring you into my mother's house, who had instructed me: I would cause you to drink of spiced wine of the juice of my pomegranate.3 His left hand is under my head, and his right hand embraces me.4 I charge you, O daughters of Jerusalem, that you stir not up, nor awake my love, until it pleases.5 Who is this that comes up from the wilderness, leaning upon her beloved? I awakened you under the apple tree: there your mother brought you forth: there she brought you forth that bore you.6 Set me as a seal upon your heart, as a seal upon your arm: for love is as strong as death; jealousy is cruel as the grave: its flames are flames of fire, a most vehement flame.7 Many waters cannot quench love, neither can the floods drown it: if a man would give all the wealth of his house for love, it would utterly be rejected.8 We have a little sister, and she has no breasts: what shall we do for our sister in the day when she shall be spoken for?9 If she is a wall, we will build upon her towers of silver: and if she is a door, we will enclose her with boards of cedar.10 I am a wall, and my breasts like towers: then was I in his eyes as one that found favor.11 Solomon had a vineyard at Baalhamon; he let out the vineyard unto keepers; everyone for its fruit was to bring a thousand pieces of silver.12 My vineyard, which is mine, is before me: you, O Solomon, must have a thousand, and those that tend its fruit two hundred.13 You that dwell in the gardens, the companions listen for your voice: let me hear it.14 Make haste, my beloved, and be like a gazelle or a young stag upon the mountains of spices.

Veja também

Publicidade
Cânticos
Ver todos os capítulos de Cânticos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-