1 Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. 2 Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. 3 Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. 4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo. 5 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon. 6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan. 7 Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? 8 Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. 9 Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. 10 Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. 11 Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak. 12 Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango. 13 Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso. 14 Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi. 15 Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati. 16 Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian. 17 Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.
1 The song of songs, which is Solomon's.2 Let him kiss me with the kisses of his mouth: for your love is better than wine.3 Because of the fragrance of your good ointments your name is as ointment poured forth, therefore do the virgins love you.4 Draw me, we will run after you: the king has brought me into his chambers: we will be glad and rejoice in you, we will remember your love more than wine: the upright love you.5 I am dark, but lovely, O you daughters of Jerusalem, as the tents of Kedar, as the curtains of Solomon.6 Look not upon me, because I am dark, because the sun has darkened me: my mother's children were angry with me; they made me the keeper of the vineyards; but my own vineyard have I not kept.7 Tell me, O you whom my soul loves, where you feed, where you make your flock to rest at noon: for why should I be as one that turns aside by the flocks of your companions?8 If you know not, O you fairest among women, go your way forth in the footsteps of the flock, and feed your kids beside the shepherds' tents.9 I have compared you, O my love, to a mare of Pharaoh's chariots.10 Your cheeks are lovely with rows of jewels, your neck with chains of gold.11 We will make you ornaments of gold with studs of silver.12 While the king sits at his table, my perfume sends forth its fragrance.13 A bundle of myrrh is my beloved unto me; he shall lie all night between my breasts.14 My beloved is unto me as a cluster of henna blossoms in the vineyards of Engedi.15 Behold, you are fair, my love; behold, you are fair; you have doves' eyes.16 Behold, you are handsome, my beloved, yea, pleasant: also our bed is green.17 The beams of our house are cedar, and our rafters of fir.