Publicidade

Habacuque 2

1 Ako'y tatayo sa aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing. 2 At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. 3 Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. 4 Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya. 5 Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan. 6 Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya, at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya, at mangagsasabi, Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya! hanggang kailan? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla! 7 Hindi baga sila mangagtitindig, na bigla na kakagat sa iyo, at magsisigising na babagabag sa iyo, at ikaw ay magiging samsam sa kanila? 8 Dahil sa iyong sinamsaman ang maraming bansa, lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo, dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon. 9 Sa aba niya na nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan, upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas, upang siya'y maligtas sa kamay ng kasamaan! 10 Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan, sa paghihiwalay ng maraming tao, at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili. 11 Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot. 12 Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan! 13 Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan? 14 Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat. 15 Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran! 16 Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian. 17 Sapagka't ang pangdadahas na ginawa sa Libano ay tatakip sa iyo, at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila; dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain, sa bayan, at sa lahat na nagsisitahan doon. 18 Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? 19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon. 20 Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.

1 I will stand upon my watch, and set myself upon the tower, and will watch to see what he will say unto me, and what I shall answer when I am reproved.2 And the LORD answered me, and said, Write the vision, and make it plain upon tables, so he may run that reads it.3 For the vision is yet for an appointed time, but at the end it shall speak, and not lie: though it tarries, wait for it; because it will surely come, it will not delay.4 Behold, his soul which is proud is not upright in him: but the just shall live by his faith.5 Yea also, because he transgresses by wine, he is a proud man, neither keeps at home, who enlarges his desire as sheol, and is as death, and cannot be satisfied, but gathers unto him all nations, and heaps unto him all people:6 Shall not all these take up a parable against him, and a taunting proverb against him, and say, Woe to him that increases that which is not his! how long? and to him that loads himself with many pledges!7 Shall they not rise up suddenly that are your creditors, and awake that shall oppress you, and you shall be for booty unto them?8 Because you have plundered many nations, all the remnant of the people shall plunder you; because of bloodshed, and for the violence of the land, of the city, and of all that dwell in it.9 Woe to him that covets an evil gain for his house, that he may set his nest on high, that he may be delivered from the power of ruin!10 You have plotted shame to your house by cutting off many peoples, and have sinned against your soul.11 For the stone shall cry out from the wall, and the beam from the timber shall answer it.12 Woe to him that builds a town with blood, and establishes a city by iniquity!13 Behold, is it not of the LORD of hosts that the people shall labor to feed the fire, and the people shall weary themselves in vain?14 For the earth shall be filled with the knowledge of the glory of the LORD, as the waters cover the sea.15 Woe unto him that gives his neighbor drink, that presses your wineskin to him, and makes him drunk also, that you may look on his nakedness!16 You are filled with shame instead of glory: drink you also, and let your shame be exposed: the cup of the LORD'S right hand shall be turned against you, and utter shame shall be upon your glory.17 For the violence done to Lebanon shall cover you, and the plunder of beasts, which made them afraid, because of men's blood, and for the violence of the land, and of the city, and of all that dwell in it.18 What profits the graven image that its maker has shaped it; the molten image, and a teacher of lies, that the maker of his work trusts in it, to make dumb idols?19 Woe unto him that says to the wood, Awake; to the dumb stone, Arise, it shall teach! Behold, it is overlaid with gold and silver, and there is no breath at all in it.20 But the LORD is in his holy temple: let all the earth keep silence before him.

Veja também

Publicidade
Habacuque
Ver todos os capítulos de Habacuque
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-