1 Nang ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, 2 Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang. 3 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 4 Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon. 5 Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man? 6 Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin. 7 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, 8 Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi. 9 Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito. 10 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa. 11 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay. 12 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, laban sa iyong mga kinagalitan nitong pitong pung taon? 13 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, ng mga salitang pangaliw. 14 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho. 15 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian. 16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem. 17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem. 18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay. 19 At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem. 20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. 21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.
1 In the eighth month, in the second year of Darius, came the word of the LORD unto Zechariah, the son of Berechiah, the son of Iddo the prophet, saying,2 The LORD has been greatly displeased with your fathers.3 Therefore say you unto them, Thus says the LORD of hosts; Turn you unto me, says the LORD of hosts, and I will turn unto you, says the LORD of hosts.4 Be you not as your fathers, unto whom the former prophets have cried, saying, Thus says the LORD of hosts; Turn you now from your evil ways, and from your evil doings: but they did not hear, nor hearken unto me, says the LORD.5 Your fathers, where are they? and the prophets, do they live forever?6 But my words and my statutes, which I commanded my servants the prophets, did they not take hold of your fathers? and they returned and said, Like as the LORD of hosts thought to do unto us, according to our ways, and according to our deeds, so has he dealt with us.7 Upon the four and twentieth day of the eleventh month, which is the month Shebat, in the second year of Darius, came the word of the LORD unto Zechariah, the son of Berechiah, the son of Iddo the prophet, saying,8 I saw by night, and behold a man riding upon a red horse, and he stood among the myrtle trees that were in the hollow; and behind him there were red, speckled, and white horses.9 Then I said, O my lord, what are these? And the angel that talked with me said unto me, I will show you what these are.10 And the man that stood among the myrtle trees answered and said, These are they whom the LORD has sent to walk to and fro through the earth.11 And they answered the angel of the LORD that stood among the myrtle trees, and said, We have walked to and fro through the earth, and, behold, all the earth sits quietly, and is at rest.12 Then the angel of the LORD answered and said, O LORD of hosts, how long will you not have mercy on Jerusalem and on the cities of Judah, against which you have had indignation these threescore and ten years?13 And the LORD answered the angel that talked with me with good and comforting words.14 So the angel that talked with me said unto me, Cry, saying, Thus says the LORD of hosts; I am jealous for Jerusalem and for Zion with a great jealousy.15 And I am very much displeased with the nations that are at ease: for I was but a little displeased, and they furthered the disaster.16 Therefore thus says the LORD; I have returned to Jerusalem with mercies: my house shall be built in it, says the LORD of hosts, and a measuring line shall be stretched forth upon Jerusalem.17 Cry again, saying, Thus says the LORD of hosts; My cities through prosperity shall again be spread abroad; and the LORD shall again comfort Zion, and shall yet choose Jerusalem.18 Then I lifted up my eyes, and saw, and behold four horns.19 And I said unto the angel that talked with me, What are these? And he answered me, These are the horns which have scattered Judah, Israel, and Jerusalem.20 And the LORD showed me four craftsmen.21 Then said I, What are these coming to do? And he spoke, saying, These are the horns which have scattered Judah, so that no man did lift up his head: but these have come to terrify them, to cast out the horns of the nations, who lifted up their horn over the land of Judah to scatter it.