Publicidade

Zacarias 4

1 At ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog. 2 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon; 3 At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon. 4 At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko? 5 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko. 6 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 7 Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya. 8 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. 10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa. 11 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa? 12 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan? 13 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko. 14 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.

1 And the angel that talked with me came again, and waked me, as a man that is wakened out of his sleep,2 And said unto me, What see you? And I said, I have looked, and behold a lampstand all of gold, with a bowl upon the top of it, and its seven lamps on it, and seven pipes to the seven lamps, which are upon its top:3 And two olive trees by it, one upon the right side of the bowl, and the other upon its left side.4 So I answered and spoke to the angel that talked with me, saying, What are these, my lord?5 Then the angel that talked with me answered and said unto me, Know you not what these are? And I said, No, my lord.6 Then he answered and spoke unto me, saying, This is the word of the LORD unto Zerubbabel, saying, Not by might, nor by power, but by my spirit, says the LORD of hosts.7 Who are you, O great mountain? before Zerubbabel you shall become a plain: and he shall bring forth its headstone with shoutings, crying, Grace, grace unto it.8 Moreover the word of the LORD came unto me, saying,9 The hands of Zerubbabel have laid the foundation of this house; his hands shall also finish it; and you shall know that the LORD of hosts has sent me unto you.10 For who has despised the day of small things? for they shall rejoice, and shall see the plumbline in the hand of Zerubbabel; these seven are the eyes of the LORD, which run to and fro through the whole earth.11 Then answered I, and said unto him, What are these two olive trees upon the right side of the lampstand and upon its left side?12 And I answered again, and said unto him, What are these two olive branches which through the two golden pipes pour out the golden oil?13 And he answered me and said, Know you not what these are? And I said, No, my lord.14 Then said he, These are the two anointed ones, that stand by the Lord of the whole earth.

Veja também

Publicidade
Zacarias
Ver todos os capítulos de Zacarias
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-