1 At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar. 2 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo: 3 Matira ka sa lupaing ito, at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama; 4 At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; 5 Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan. 6 At tumahan si Isaac sa Gerar. 7 At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; dahil sa siya'y may magandang anyo. 8 At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa. 9 At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya. 10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami. 11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin. 12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon. 13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila. 14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo. 15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa. 16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin. 17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon. 18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama. 19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal. 20 At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya. 21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah. 22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain. 23 At mula roon ay umahon siya sa Beerseba. 24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod. 25 At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon. 26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo. 27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo? 28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo: 29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon. 30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman. 31 At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya. 32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig. 33 At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon. 34 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo: 35 At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.
1 And there was a famine in the land, besides the first famine that was in the days of Abraham. And Isaac went unto Abimelech king of the Philistines unto Gerar.2 And the LORD appeared unto him, and said, Gonot down into Egypt; dwell in the land which I shall tell you of:3 Sojourn in this land, and I will be with you, and will bless you; for unto you, and unto your descendants, I will give all these countries, and I will perform the oath which I swore unto Abraham your father;4 And I will make your descendants to multiply as the stars of heaven, and will give unto your descendants all these countries; and in your descendants shall all the nations of the earth be blessed;5 Because Abraham obeyed my voice, and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.6 And Isaac dwelt in Gerar:7 And the men of the place asked him about his wife; and he said, She is my sister: for he feared to say, She is my wife; lest, said he, the men of the place should kill me for Rebekah; because she was fair to look upon.8 And it came to pass, when he had been there a long time, that Abimelech king of the Philistines looked out a window, and saw, and, behold, Isaac was caressing Rebekah his wife.9 And Abimelech called Isaac, and said, Behold, of a truth she is your wife: and how said you, She is my sister? And Isaac said unto him, Because I said, Lest I die for her.10 And Abimelech said, What is this you have done unto us? one of the people might easily have lain with your wife, and you would have brought guiltiness upon us.11 And Abimelech charged all his people, saying, He that touches this man or his wife shall surely be put to death.12 Then Isaac sowed in that land, and received in the same year a hundredfold: and the LORD blessed him.13 And the man became great, and advanced, and grew until he became very great:14 For he had possession of flocks, and possession of herds, and a great store of servants: and the Philistines envied him.15 For all the wells which his father's servants had dug in the days of Abraham his father, the Philistines had stopped them, and filled them with earth.16 And Abimelech said unto Isaac, Go from us; for you are much mightier than we.17 And Isaac departed from there, and pitched his tent in the valley of Gerar, and dwelt there.18 And Isaac dug again the wells of water, which they had dug in the days of Abraham his father; for the Philistines had stopped them after the death of Abraham: and he called their names after the names by which his father had called them.19 And Isaac's servants dug in the valley, and found there a well of springing water.20 And the herdsmen of Gerar did strive with Isaac's herdsmen, saying, The water is ours: and he called the name of the well Esek; because they strove with him.21 And they dug another well, and strove for that also: and he called the name of it Sitnah.22 And he removed from there, and dug another well; and for that they strove not: and he called the name of it Rehoboth; and he said, For now the LORD has made room for us, and we shall be fruitful in the land.23 And he went up from there to Beersheba.24 And the LORD appeared unto him the same night, and said, I am the God of Abraham your father: fear not, for I am with you, and will bless you, and multiply your descendants for my servant Abraham's sake.25 And he built an altar there, and called upon the name of the LORD, and pitched his tent there: and there Isaac's servants dug a well.26 Then Abimelech went to him from Gerar, and Ahuzzath one of his friends, and Phicol the chief captain of his army.27 And Isaac said unto them, Why come you to me, seeing you hate me, and have sent me away from you?28 And they said, We saw certainly that the LORD was with you: and we said, Let there be now an oath between us, even between us and you, and let us make a covenant with you;29 That you will do us no hurt, as we have not touched you, and as we have done unto you nothing but good, and have sent you away in peace: you are now the blessed of the LORD.30 And he made them a feast, and they did eat and drink.31 And they rose up early in the morning, and swore one to another: and Isaac sent them away, and they departed from him in peace.32 And it came to pass the same day, that Isaac's servants came, and told him concerning the well which they had dug, and said unto him, We have found water.33 And he called it Shibah: therefore the name of the city is Beersheba unto this day.34 And Esau was forty years old when he took to wife Judith the daughter of Beeri the Hittite, and Basemath the daughter of Elon the Hittite:35 Who were a source of grief unto Isaac and to Rebekah.