1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. 2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. 3 At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, 4 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. 5 At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. 6 At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari. 7 At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. 8 At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila. 9 At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. 10 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo. 11 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. 12 At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi. 13 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan. 14 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan. 15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan. 16 At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya. 17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na? 18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo! 19 At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya. 20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa. 21 Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating. 22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham. 23 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya. 24 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. 25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. 26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak. 27 At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
1 And when Abram was ninety years old and nine, the LORD appeared to Abram, and said unto him, I am the Almighty God; walk before me, and be you perfect.2 And I will make my covenant between me and you, and will multiply you exceedingly.3 And Abram fell on his face: and God talked with him, saying,4 As for me, behold, my covenant is with you, and you shall be a father of many nations.5 Neither shall your name any more be called Abram, but your name shall be Abraham; for a father of many nations have I made you.6 And I will make you exceedingly fruitful, and I will make nations of you, and kings shall come out of you.7 And I will establish my covenant between me and you and your descendants after you in their generations for an everlasting covenant, to be a God unto you, and to your descendants after you.8 And I will give unto you, and to your descendants after you, the land in which you are a sojourner, all the land of Canaan, for an everlasting possession; and I will be their God.9 And God said unto Abraham, You shall keep my covenant therefore, you, and your descendants after you in their generations.10 This is my covenant, which you shall keep, between me and you and your descendants after you; Every male child among you shall be circumcised.11 And you shall circumcise the flesh of your foreskins; and it shall be a sign of the covenant between me and you.12 And he that is eight days old shall be circumcised among you, every male child in your generations, he that is born in the house, or bought with money of any foreigner, who is not of your descendants.13 He that is born in your house, and he that is bought with your money, must needs be circumcised: and my covenant shall be in your flesh for an everlasting covenant.14 And the uncircumcised male child whose flesh of his foreskin is not circumcised, that soul shall be cut off from his people; he has broken my covenant.15 And God said unto Abraham, As for Sarai your wife, you shall not call her name Sarai, but Sarah shall her name be.16 And I will bless her, and give you a son also of her: yea, I will bless her, and she shall be a mother of nations; kings of people shall come from her.17 Then Abraham fell upon his face, and laughed, and said in his heart, Shall a child be born unto him that is a hundred years old? and shall Sarah, that is ninety years old, bear?18 And Abraham said unto God, O that Ishmael might live before you!19 And God said, Sarah your wife shall bear you a son indeed; and you shall call his name Isaac: and I will establish my covenant with him for an everlasting covenant, and with his descendants after him.20 And as for Ishmael, I have heard you: Behold, I have blessed him, and will make him fruitful, and will multiply him exceedingly; twelve princes shall he beget, and I will make him a great nation.21 But my covenant will I establish with Isaac, whom Sarah shall bear unto you at this set time in the next year.22 And he quit talking with him, and God went up from Abraham.23 And Abraham took Ishmael his son, and all that were born in his house, and all that were bought with his money, every male among the men of Abraham's house; and circumcised the flesh of their foreskins in the same day, as God had said unto him.24 And Abraham was ninety years old and nine, when he was circumcised in the flesh of his foreskin.25 And Ishmael his son was thirteen years old, when he was circumcised in the flesh of his foreskin.26 In the same day was Abraham circumcised, and Ishmael his son.27 And all the men of his house, born in the house, and bought with money from a foreigner, were circumcised with him.