1 At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito. 2 At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kaniyang gaya ng dati. 3 At sinabi ng Panginoon kay Jacob, Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo. 4 At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid, sa kaniyang kawan, 5 At sinabi sa kanila, Nakikita ko ang mukha ng inyong ama, na hindi sumasaakin na gaya ng dati; datapuwa't ang Dios ng aking ama ay sumaakin. 6 At nalalaman ninyo, na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama. 7 At dinaya ako ng inyong ama, at binagong makasangpu ang aking kaupahan; datapuwa't hindi pinahintulutan siya ng Dios, na gawan ako ng masama. 8 Kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit. 9 Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin. 10 At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis. 11 At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako. 12 At kaniyang sinabi, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit, may batik at may dungis: sapagka't aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban. 13 Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo. 14 At nagsisagot si Raquel at si Lea, at sa kaniya'y sinabi, Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama? 15 Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan? sapagka't ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga. 16 Sapagka't ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama, ay amin yaon at sa aming mga anak: ngayon nga, gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios. 17 Nang magkagayo'y tumindig si Jacob, at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa; 18 At dinala ang kaniyang lahat na hayop, at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon, ang hayop na kaniyang napakinabang, na kaniyang tinipon, sa Padan-aram, upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama, sa lupain ng Canaan. 19 Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa: at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama. 20 At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria, sa di niya pagbibigay alam na siya'y tumakas. 21 Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates, at siya'y tumungo sa bundok ng Gilead. 22 At binalitaan si Laban sa ikatlong araw, na tumakas si Jacob. 23 At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid, at hinabol niyang pitong araw; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead. 24 At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria, sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man, 25 At inabutan ni Laban si Jacob, At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead. 26 At sinabi ni Laban kay Jacob, Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman, at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak? 27 Bakit ka tumakas ng lihim, at tumanan ka sa akin; at hindi mo ipinaalam sa akin, upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan, may tambol at may alpa; 28 At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae? Ngayon nga'y gumawa ka ng kamangmangan. 29 Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama: nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man. 30 At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios? 31 At sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Sapagka't ako'y natakot: sapagka't sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak. 32 Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw. 33 At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at sa tolda ni Lea, at sa tolda ng dalawang alilang babae, datapuwa't hindi niya nasumpungan; at lumabas sa tolda ni Lea, at pumasok sa tolda ni Raquel. 34 Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan. 35 At sinabi niya sa kaniyang ama, Huwag magalit ang aking panginoon na ako'y hindi makatindig sa harap mo; sapagka't ako'y mayroon ng kaugalian ng mga babae. At kaniyang hinanap, datapuwa't hindi masumpungan ang mga larawan. 36 At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban, at sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan, upang ako'y habulin mong may pagiinit? 37 Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan, anong nasumpungan mong kasangkapan, ng iyong bahay? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid, upang hatulan nila tayong dalawa. 38 Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain. 39 Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi. 40 Ganito nakaraan ako; sa araw ay pinupugnaw ako ng init, at ng lamig sa gabi; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata. 41 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu. 42 Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi. 43 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila? 44 At ngayo'y halika, gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo. 45 At kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala. 46 At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton: at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton. 47 At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha, datapuwa't pinanganlan ni Jacob na Galaad. 48 At sinabi ni Laban, Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon. Kaya't ang pangalan niya'y tinawag na Galaad; 49 At Mizpa sapagka't kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo. 50 Kung pahirapan mo ang aking mga anak, o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak, ay wala tayong ibang kasama; tingnan mo, ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo. 51 At sinabi ni Laban kay Jacob, Narito, ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito, na aking inilagay sa gitna natin. 52 Maging saksi ang buntong ito, at saksi ang batong ito, na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo, at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin. 53 Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor, ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin. At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac. 54 At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok. 55 At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban, at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at pinagbabasbasan: at yumaon at umuwi si Laban.
1 And he heard the words of Laban's sons, saying, Jacob has taken away all that was our father's; and of that which was our father's has he gotten all this wealth.2 And Jacob beheld the countenance of Laban, and, behold, it was not toward him as before.3 And the LORD said unto Jacob, Return unto the land of your fathers, and to your kindred; and I will be with you.4 And Jacob sent and called Rachel and Leah to the field unto his flock,5 And said unto them, I see your father's countenance, that it is not toward me as before; but the God of my father has been with me.6 And you know that with all my power I have served your father.7 And your father has deceived me, and changed my wages ten times; but God permitted him not to hurt me.8 If he said thus, The speckled shall be your wages; then all the cattle bore speckled: and if he said thus, The striped shall be your wages; then bore all the flock striped.9 Thus God has taken away the cattle of your father, and given them to me.10 And it came to pass at the time that the flock conceived, that I lifted up my eyes, and saw in a dream, and, behold, the rams which leaped upon the flock were striped, speckled, and spotted.11 And the angel of God spoke unto me in a dream, saying, Jacob: And I said, Here am I.12 And he said, Lift up now your eyes, and see, all the rams which leap upon the cattle are striped, speckled, and spotted: for I have seen all that Laban does unto you.13 I am the God of Bethel, where you anointed the pillar, and where you vowed a vow unto me: now arise, get you out from this land, and return unto the land of your kindred.14 And Rachel and Leah answered and said unto him, Is there yet any portion or inheritance for us in our father's house?15 Are we not counted of him strangers? for he has sold us, and has quite devoured also our money.16 For all the riches which God has taken from our father, that is ours, and our children's: now then, whatsoever God has said unto you, do.17 Then Jacob rose up, and set his sons and his wives upon camels;18 And he carried away all his cattle, and all his goods which he had gotten, the cattle of his getting, which he had gotten in Paddanaram, to go to Isaac his father in the land of Canaan.19 And Laban went to shear his sheep: and Rachel had stolen the images that were her father's.20 And Jacob stole away unawares to Laban the Aramean, in that he told him not that he fled.21 So he fled with all that he had; and he rose up, and passed over the river, and set his face toward the mount Gilead.22 And it was told Laban on the third day that Jacob was fled.23 And he took his brethren with him, and pursued after him seven days' journey; and they overtook him in the mount Gilead.24 And God came to Laban the Aramean in a dream by night, and said unto him, Take heed that you speak not to Jacob either good or bad.25 Then Laban overtook Jacob. Now Jacob had pitched his tent in the mount: and Laban with his brethren encamped in the mount of Gilead.26 And Laban said to Jacob, What have you done, that you have stolen away unawares to me, and carried away my daughters, as captives taken with the sword?27 Why did you flee away secretly, and steal from me; and did not tell me, that I might have sent you away with mirth, and with songs, with tambourine, and with harp?28 And have not allowed me to kiss my sons and my daughters? you have now done foolishly in so doing.29 It is in the power of my hand to do you hurt: but the God of your father spoke unto me last night, saying, Take heed that you speak not to Jacob either good or bad.30 And now, though you would wish to be gone, because you greatly longed after your father's house, yet why have you stolen my gods?31 And Jacob answered and said to Laban, Because I was afraid: for I said, Perhaps you would take by force your daughters from me.32 With whomever you find your gods, let him not live: before our brethren discern what is yours with me, and take it to you. For Jacob knew not that Rachel had stolen them.33 And Laban went into Jacob's tent, and into Leah's tent, and into the two maidservants' tents; but he found them not. Then went he out of Leah's tent, and entered into Rachel's tent.34 Now Rachel had taken the images, and put them in the camel's saddle, and sat upon them. And Laban searched all the tent, but found them not.35 And she said to her father, Let it not displease my lord that I cannot rise up before you; for the custom of women is upon me. And he searched, but found not the images.36 And Jacob was angry, and upbraided Laban: and Jacob answered and said to Laban, What is my trespass? what is my sin, that you have so hotly pursued after me?37 Although you have searched all my goods, what have you found of all your household goods? set it here before my brethren and your brethren, that they may judge between us both.38 This twenty years have I been with you; your ewes and your female goats have not cast their young, and the rams of your flock have I not eaten.39 That which was torn of beasts I brought not unto you; I bore the loss of it; of my hand did you require it, whether stolen by day, or stolen by night.40 Thus I was; in the day the heat consumed me, and the cold by night; and my sleep departed from my eyes.41 Thus have I been twenty years in your house; I served you fourteen years for your two daughters, and six years for your flocks: and you have changed my wages ten times.42 Except the God of my father, the God of Abraham, and the Fear of Isaac, had been with me, surely you would have sent me away now empty. God has seen my affliction and the labor of my hands, and rebuked you last night.43 And Laban answered and said unto Jacob, These daughters are my daughters, and these children are my children, and these flocks are my flocks, and all that you see is mine: and what can I do this day unto these my daughters, or unto their children whom they have borne?44 Now therefore come, let us make a covenant, I and you; and let it be for a witness between me and you.45 And Jacob took a stone, and set it up for a pillar.46 And Jacob said unto his brethren, Gather stones; and they took stones, and made a heap: and they did eat there upon the heap.47 And Laban called it Jegarsahadutha: but Jacob called it Galeed.48 And Laban said, This heap is a witness between me and you this day. Therefore was the name of it called Galeed;49 And Mizpah; for he said, The LORD watch between me and you, when we are absent one from another.50 If you shall afflict my daughters, or if you shall take other wives beside my daughters, no man is with us; see, God is witness between me and you.51 And Laban said to Jacob, Behold this heap, and behold this pillar, which I have set between me and you;52 This heap be witness, and this pillar be witness, that I will not pass over this heap to you, and that you shall not pass over this heap and this pillar unto me, for harm.53 The God of Abraham, and the God of Nahor, the God of their father, judge between us. And Jacob swore by the Fear of his father Isaac.54 Then Jacob offered sacrifice upon the mount, and called his brethren to eat bread: and they did eat bread, and tarried all night in the mount.55 And early in the morning Laban rose up, and kissed his sons and his daughters, and blessed them: and Laban departed, and returned unto his place.