1 At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa. 4 Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa, nang likhain noong araw, na gawin ng Panginoong Dios ang lupa't langit. 5 At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala pang taong magbukid ng lupa, 6 Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa. 7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. 8 At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang. 9 At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabubuting kanin; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama. 10 At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y nabahagi at nagapat na sanga. 11 Ang pangalan ng una ay Pison: na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah, na doo'y may ginto; 12 At ang ginto sa lupang yao'y mabuti; mayroon din naman doong bedelio at batong onix. 13 At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Cush. 14 At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel, na siyang umaagos sa tapat ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates. 15 At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. 16 At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: 17 Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. 18 At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya. 19 At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. 20 At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya. 21 At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: 22 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. 23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. 24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. 25 At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.
1 Thus the heavens and the earth were finished, and all the host of them.2 And on the seventh day God ended his work which he had made; and he rested on the seventh day from all his work which he had made.3 And God blessed the seventh day, and sanctified it: because in it he had rested from all his work which God created and made.4 These are the generations of the heavens and of the earth when they were created, in the day that the LORD God made the earth and the heavens,5 And every plant of the field before it was in the earth, and every herb of the field before it grew: for the LORD God had not caused it to rain upon the earth, and there was not a man to till the ground.6 But there went up a mist from the earth, and watered the whole face of the ground.7 And the LORD God formed man of the dust of the ground, and breathed into his nostrils the breath of life; and man became a living soul.8 And the LORD God planted a garden eastward in Eden; and there he put the man whom he had formed.9 And out of the ground made the LORD God to grow every tree that is pleasant to the sight, and good for food; the tree of life also in the midst of the garden, and the tree of knowledge of good and evil.10 And a river went out of Eden to water the garden; and from there it was parted, and became four heads.11 The name of the first is Pison: that is it which encompasses the whole land of Havilah, where there is gold;12 And the gold of that land is good: there is bdellium and the onyx stone.13 And the name of the second river is Gihon: the same is it that encompasses the whole land of Cush.14 And the name of the third river is Tigris: that is it which goes toward the east of Assyria. And the fourth river is Euphrates.15 And the LORD God took the man, and put him into the garden of Eden to work it and to keep it.16 And the LORD God commanded the man, saying, Of every tree of the garden you may freely eat:17 But of the tree of the knowledge of good and evil, you shall not eat of it: for in the day thatyou eat thereof you shall surely die.18 And the LORD God said, It is not good that the man should be alone; I will make him a helper suitable for him.19 And out of the ground the LORD God formed every beast of the field, and every fowl of the air; and brought them unto Adam to see what he would call them: and whatsoever Adam called every living creature, that was its name.20 And Adam gave names to all cattle, and to the fowl of the air, and to every beast of the field; but for Adam there was not found a helper suitable for him.21 And the LORD God caused a deep sleep to fall upon Adam, and he slept: and he took one of his ribs, and closed up its place with flesh;22 And from the rib, which the LORD God had taken from man, made he a woman, and brought her unto the man.23 And Adam said, This is now bone of my bones, and flesh of my flesh: she shall be called Woman, because she was taken out of Man.24 Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.25 And they were both naked, the man and his wife, and were not ashamed.