Publicidade

Gênesis 8

1 At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig; 2 Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit; 3 At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw. 4 At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat. 5 At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok. 6 At nangyari, pagkaraan ng apat na pung araw, na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa: 7 At siya'y nagpalipad ng isang uwak, at ito'y nagparoo't parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa. 8 At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa. 9 Datapuwa't hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa, at nagbalik sa kaniya sa sasakyan, sapagka't ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa: at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan, at ipinasok niya sa sasakyan. 10 At naghintay pa ng muling pitong araw; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan; 11 At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon; at, narito't may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka: sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa. 12 At naghintay pang muli siya ng pitong araw; at pinalipad ang kalapati; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya. 13 At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo. 14 At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa. 15 At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi, 16 Lumunsad ka sa sasakyan, ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. 17 Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa. 18 At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya: 19 Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan. 20 At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. 21 At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa. 22 Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.

1 And God remembered Noah, and every living thing, and all the cattle that were with him in the ark: and God made a wind to pass over the earth, and the waters subsided;2 The fountains also of the deep and the windows of heaven were stopped, and the rain from heaven was restrained;3 And the waters returned from off the earth continually: and after the end of the hundred and fifty days the waters were abated.4 And the ark rested in the seventh month, on the seventeenth day of the month, upon the mountains of Ararat.5 And the waters decreased continually until the tenth month: in the tenth month, on the first day of the month, were the tops of the mountains seen.6 And it came to pass at the end of forty days, that Noah opened the window of the ark which he had made:7 And he sent forth a raven, which went forth to and fro, until the waters were dried up from off the earth.8 Also he sent forth a dove from him, to see if the waters were abated from off the face of the ground;9 But the dove found no rest for the sole of her foot, and she returned unto him into the ark, for the waters were on the face of the whole earth: then he put forth his hand, and took her, and pulled her in unto him into the ark.10 And he waited yet other seven days; and again he sent forth the dove out of the ark;11 And the dove came in to him in the evening; and, lo, in her mouth was a plucked off olive leaf: so Noah knew that the waters were abated from off the earth.12 And he stayed yet another seven days; and sent forth the dove; which returned not again unto him any more.13 And it came to pass in the six hundredth and first year, in the first month, the first day of the month, the waters were dried up from off the earth: and Noah removed the covering of the ark, and looked, and, behold, the face of the ground was dry.14 And in the second month, on the seven and twentieth day of the month, was the earth dried.15 And God spoke unto Noah, saying,16 Go forth from the ark, you, and your wife, and your sons, and your sons' wives with you.17 Bring forth with you every living thing that is with you, of all flesh, both of fowl, and of cattle, and of every creeping thing that creeps upon the earth; that they may breed abundantly in the earth, and be fruitful, and multiply upon the earth.18 And Noah went forth, and his sons, and his wife, and his sons' wives with him:19 Every beast, every creeping thing, and every fowl, and whatsoever creeps upon the earth, after their kinds, went forth out of the ark.20 And Noah built an altar unto the LORD; and took of every clean beast, and of every clean fowl, and offered burnt offerings on the altar.21 And the LORD smelled a sweet odor; and the LORD said in his heart, I will not again curse the ground any more for man's sake; for the imagination of man's heart is evil from his youth; neither will I again smite any more everything living, as I have done.22 While the earth remains, seedtime and harvest, and cold and heat, and summer and winter, and day and night shall not cease.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-