1 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan. 2 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila. 3 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay. 4 At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa. 5 At nanaginip si Jose ng isang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid: at lalo pa nilang kinapootan siya. 6 At sinabi niya sa kanila. Pakinggan ninyo, ipinamamanhik ko sa inyo, itong panaginip na aking napanaginip: 7 Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis. 8 At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita. 9 At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin. 10 At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid; at sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo? 11 At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya: datapuwa't iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip. 12 At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama, sa Sichem. 13 At sinabi ni Israel kay Jose, Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid? Halika, at uutusan kita sa kanila. At sinabi niya sa kaniya, Narito ako. 14 At kaniyang sinabi sa kaniya, Yumaon ka, tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid, at kung mabuti ang lagay ng kawan; at balitaan mo ako. Gayon sinugo siya mula sa libis ng Hebron, at siya'y naparoon sa Sichem. 15 At nasumpungan siya ng isang tao, at, narito, na siya'y naggagala sa parang; at siya'y tinanong ng taong yaon, na sinasabi, Anong hinahanap mo? 16 At kaniyang sinabi, Hinahanap ko ang aking mga kapatid; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol. 17 At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa Dotan. 18 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin. 19 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin. 20 Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip. 21 At narinig ni Ruben, at iniligtas siya sa kanilang kamay; at sinabi, Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay. 22 At sinabi ni Ruben sa kanila, Huwag kayong magbubo ng dugo; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang, datapuwa't huwag ninyong pagbuhatan ng kamay; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama. 23 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot; 24 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig. 25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango, at mga balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto. 26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, at ilihim ang kaniyang dugo? 27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid. 28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto. 29 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot. 30 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon? 31 At kanilang kinuha ang tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo: 32 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi. 33 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa. 34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak. 35 At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama. 36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.
1 And Jacob dwelt in the land in which his father was a stranger, in the land of Canaan.2 These are the generations of Jacob. Joseph, being seventeen years old, was feeding the flock with his brothers; and the lad was with the sons of Bilhah, and with the sons of Zilpah, his father's wives: and Joseph brought unto his father their evil report.3 Now Israel loved Joseph more than all his children, because he was the son of his old age: and he made him a coat of many colors.4 And when his brothers saw that their father loved him more than all his brothers, they hated him, and could not speak peaceably unto him.5 And Joseph dreamed a dream, and he told it to his brothers: and they hated him yet the more.6 And he said unto them, Hear, I pray you, this dream which I have dreamed:7 For, behold, we were binding sheaves in the field, and, lo, my sheaf arose, and also stood upright; and, behold, your sheaves stood round about, and bowed down to my sheaf.8 And his brothers said to him, Shall you indeed reign over us? or shall you indeed have dominion over us? And they hated him yet the more for his dreams, and for his words.9 And he dreamed yet another dream, and told it to his brothers, and said, Behold, I have dreamed another dream; and, behold, the sun and the moon and the eleven stars bowed down to me.10 And he told it to his father, and to his brothers: and his father rebuked him, and said unto him, What is this dream that you have dreamed? Shall I and your mother and your brothers indeed come to bow down ourselves to you to the earth?11 And his brothers envied him; but his father observed the saying.12 And his brothers went to feed their father's flock in Shechem.13 And Israel said unto Joseph, Do not your brothers feed the flock in Shechem? come, and I will send you unto them. And he said to him, Here am I.14 And he said to him, Go, I pray you, see whether it is well with your brothers, and well with the flocks; and bring me word again. So he sent him out of the valley of Hebron, and he came to Shechem.15 And a certain man found him, and, behold, he was wandering in the field: and the man asked him, saying, What seek you?16 And he said, I seek my brothers: tell me, I pray you, where they feed their flocks.17 And the man said, They are departed from here; for I heard them say, Let us go to Dothan. And Joseph went after his brothers, and found them in Dothan.18 And when they saw him afar off, even before he came near unto them, they conspired against him to slay him.19 And they said one to another, Behold, this dreamer comes.20 Come now therefore, and let us slay him, and cast him into some pit, and we will say, Some evil beast has devoured him: and we shall see what will become of his dreams.21 And Reuben heard it, and he delivered him out of their hands; and said, Let us not kill him.22 And Reuben said unto them, Shed no blood, but cast him into this pit that is in the wilderness, and lay no hand upon him; that he might rid him out of their hands, to deliver him to his father again.23 And it came to pass, when Joseph came unto his brothers, that they stripped Joseph out of his coat, his coat of many colors that was on him;24 And they took him, and cast him into a pit: and the pit was empty, there was no water in it.25 And they sat down to eat bread: and they lifted up their eyes and looked, and, behold, a company of Ishmaelites came from Gilead with their camels bearing spices and balm and myrrh, going to carry it down to Egypt.26 And Judah said unto his brothers, What profit is it if we slay our brother, and conceal his blood?27 Come, and let us sell him to the Ishmaelites, and let not our hand be upon him; for he is our brother and our flesh. And his brothers were content.28 Then there passed by Midianites, merchantmen; and they drew and lifted up Joseph out of the pit, and sold Joseph to the Ishmaelites for twenty pieces of silver: and they brought Joseph into Egypt.29 And Reuben returned unto the pit; and, behold, Joseph was not in the pit; and he tore his clothes.30 And he returned unto his brothers, and said, The child is not; and I, where shall I go?31 And they took Joseph's coat, and killed a kid of the goats, and dipped the coat in the blood;32 And they sent the coat of many colors, and they brought it to their father; and said, This have we found: see now whether it be your son's coat or not.33 And he recognized it, and said, It is my son's coat; an evil beast has devoured him; Joseph is without doubt torn in pieces.34 And Jacob tore his clothes, and put sackcloth upon his loins, and mourned for his son many days.35 And all his sons and all his daughters rose up to comfort him; but he refused to be comforted; and he said, I will go down into the grave unto my son mourning. Thus his father wept for him.36 And the Midianites sold him into Egypt unto Potiphar, an officer of Pharaoh's, and captain of the guard.