1 Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: 2 At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: 3 At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa. 4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran. 5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan. 6 At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, hanggang sa punong encina ng More. At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo, 7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya. 8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon. 9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan. 10 At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain. 11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin: 12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay. 13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo. 14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda. 15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon. 16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo, 17 At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram. 18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa? 19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka. 20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pag-aari.
1 Now the LORD had said unto Abram, Get you out of your country, and from your kindred, and from your father's house, unto a land that I will show you:2 And I will make of you a great nation, and I will bless you, and make your name great; and you shall be a blessing:3 And I will bless them that bless you, and curse him that curses you: and in you shall all families of the earth be blessed.4 So Abram departed, as the LORD had spoken unto him; and Lot went with him: and Abram was seventy and five years old when he departed out of Haran.5 And Abram took Sarai his wife, and Lot his brother's son, and all their possessions that they had gathered, and the souls that they had gotten in Haran; and they went forth to go into the land of Canaan; and into the land of Canaan they came.6 And Abram passed through the land unto the place of Shechem, unto the plain of Moreh. And the Canaanites were then in the land.7 And the LORD appeared unto Abram, and said, Unto your descendants will I give this land: and there built he an altar unto the LORD, who appeared unto him.8 And he removed from there unto a mountain on the east of Bethel, and pitched his tent, having Bethel on the west, and Ai on the east: and there he built an altar unto the LORD, and called upon the name of the LORD.9 And Abram journeyed, going on still toward the Negeb.10 And there was a famine in the land: and Abram went down into Egypt to sojourn there; for the famine was severe in the land.11 And it came to pass, when he came near to enter into Egypt, that he said unto Sarai his wife, Behold now, I know that you are a fair woman to look upon:12 Therefore it shall come to pass, when the Egyptians shall see you, that they shall say, This is his wife: and they will kill me, but they will save you alive.13 Say, I pray you, that you are my sister: that it may be well with me for your sake; and my soul shall live because of you.14 And it came to pass, that, when Abram came into Egypt, the Egyptians beheld the woman that she was very fair.15 The princes also of Pharaoh saw her, and commended her before Pharaoh: and the woman was taken into Pharaoh's house.16 And he treated Abram well for her sake: and he had sheep, and oxen, and male donkeys, and menservants, and maidservants, and female donkeys, and camels.17 And the LORD afflicted Pharaoh and his house with great plagues because of Sarai Abram's wife.18 And Pharaoh called Abram, and said, What is this that you have done unto me? why did you not tell me that she was your wife?19 Why did you say, She is my sister? so I might have taken her to me as a wife: now therefore behold your wife, take her, and go your way.20 And Pharaoh commanded his men concerning him: and they sent him away, and his wife, and all that he had.