1 Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw. 2 Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa; 3 Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw. 4 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 5 Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman. 6 Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan. 7 Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw. 8 May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam. 9 Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. 10 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya. 11 Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa? 12 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali. 13 Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa. 14 Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha. 15 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya. 16 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
1 So I returned, and considered all the oppressions that are done under the sun: and behold the tears of such as were oppressed, and they had no comforter; and on the side of their oppressors there was power; but they had no comforter.2 Therefore I praised the dead who are already dead more than the living who are yet alive.3 Yea, better is he than both, who has not yet been, who has not seen the evil work that is done under the sun.4 Again, I considered all toil, and every skillful work, that for this a man is envied by his neighbor. This is also vanity and grasping after the wind.5 The fool folds his hands together, and eats his own flesh.6 Better is a handful with quietness, than both hands full with toil and grasping for the wind.7 Then I returned, and I saw vanity under the sun.8 There is one alone, and there is not a second; yea, he has neither child nor brother: yet is there no end of all his labor; neither is his eye satisfied with riches; neither says he, For whom do I labor, and deprive my soul of good? This is also vanity, yea, it is a heavy travail.9 Two are better than one; because they have a good reward for their labor.10 For if they fall, the one will lift up his fellow: but woe to him that is alone when he falls; for he has not another to help him up.11 Again, if two lie together, then they have heat: but how can one be warm alone?12 And if one prevails against him, two shall withstand him; and a threefold cord is not quickly broken.13 Better is a poor and wise child than an old and foolish king, who will no longer be admonished.14 For out of prison he comes to reign; yet he that is born in his kingdom might become poor.15 I considered all the living who walk under the sun, with the second child that shall stand up in his place.16 There is no end of all the people, even of all that have been before them: they also that come after him shall not rejoice in him. Surely this also is vanity and grasping after the wind.