1 Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem. 2 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. 3 Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw? 4 Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man. 5 Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito. 6 Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit. 7 Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon may hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon. 8 Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig. 9 Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw. 10 May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga panahon na una sa atin. 11 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos. 12 Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem. 13 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan. 14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 15 Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang. 16 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman. 17 At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala. 18 Sapagka't sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.
1 The words of the Preacher, the son of David, king in Jerusalem.2 Vanity of vanities, says the Preacher, vanity of vanities; all is vanity.3 What profit has a man of all his labor which he takes under the sun?4 One generation passes away, and another generation comes: but the earth abides forever.5 The sun also arises, and the sun goes down, and hastens to its place where it arose.6 The wind goes toward the south, and turns about unto the north; it whirls about continually, and the wind returns again according to its circuit.7 All the rivers run into the sea; yet the sea is not full; unto the place from where the rivers come, there they return again.8 All things are full of weariness; man cannot express it: the eye is not satisfied with seeing, nor the ear filled with hearing.9 The thing that has been, it is that which shall be; and that which is done is that which shall be done: and there is no new thing under the sun.10 Is there any thing of which it may be said, See, this is new? it has been already of old time, which was before us.11 There is no remembrance of former things; neither shall there be any remembrance of things that are to come with those that shall come after.12 I the Preacher was king over Israel in Jerusalem.13 And I gave my heart to seek and search out by wisdom concerning all things that are done under heaven: this severe burden has God given to the sons of man to be afflicted with.14 I have seen all the works that are done under the sun; and, behold, all is vanity and like grasping the wind.15 That which is crooked cannot be made straight: and that which is lacking cannot be numbered.16 I communed with my own heart, saying, Lo, I have come to greatness, and have gotten more wisdom than all they that have been before me in Jerusalem: yea, my heart had great experience of wisdom and knowledge.17 And I set my heart to know wisdom, and to know madness and folly: I perceived that this also is like grasping the wind.18 For in much wisdom is much grief: and he that increases knowledge increases sorrow.