1 Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? 2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: 3 Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin. 4 Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. 5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: 6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. 7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. 8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. 9 Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. 10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. 11 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. 12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
1 Why do the nations rage, and the people imagine a vain thing?2 The kings of the earth set themselves, and the rulers take counsel together, against the LORD, and against his anointed, saying,3 Let us break their bands asunder, and cast away their cords from us.4 He that sits in the heavens shall laugh: the Lord shall have them in derision.5 Then shall he speak unto them in his wrath, and distress them in his great displeasure.6 Yet have I set my king upon my holy hill of Zion.7 I will declare the decree: the LORD has said unto me, You are my Son; this day have I begotten you.8 Ask of me, and I shall give you the nations for your inheritance, and the uttermost parts of the earth for your possession.9 You shall break them with a rod of iron; you shall dash them in pieces like a potter's vessel.10 Be wise now therefore, O you kings: be instructed, you judges of the earth.11 Serve the LORD with fear, and rejoice with trembling.12 Kiss the Son, lest he be angry, and you perish in the way, when his wrath is kindled but a little. Blessed are all they that put their trust in him.