Publicidade

Salmos 112

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. 2 Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. 3 Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. 5 Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. 6 Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. 7 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. 8 Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. 9 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. 10 Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.

1 Praise you the LORD. Blessed is the man that fears the LORD, that delights greatly in his commandments.2 His descendants shall be mighty upon earth: the generation of the upright shall be blessed.3 Wealth and riches shall be in his house: and his righteousness endures forever.4 Unto the upright there arises light in the darkness: he is gracious, and full of compassion, and righteous.5 A good man shows favor, and lends: he will guide his affairs with discretion.6 Surely he shall not be moved forever: the righteous shall be in everlasting remembrance.7 He shall not be afraid of evil tidings: his heart is fixed, trusting in the LORD.8 His heart is established, he shall not be afraid, until he sees his desire upon his enemies.9 He has dispersed, he has given to the poor; his righteousness endures forever; his strength shall be exalted with honor.10 The wicked shall see it, and be grieved; he shall gnash with his teeth, and melt away: the desire of the wicked shall perish.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-