Publicidade

Salmos 119

1 Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. 2 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. 3 Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. 4 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. 5 Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! 6 Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. 7 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. 8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. 9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. 10 Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. 11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. 12 Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 13 Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. 14 Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan. 15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan. 16 Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita. 17 Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. 18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. 19 Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. 20 Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. 21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. 22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. 23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. 24 Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. 25 Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. 26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 27 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. 28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. 29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. 30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. 31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. 32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. 33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. 34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. 35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. 36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. 37 Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. 38 Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. 39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. 40 Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. 41 Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. 42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. 43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. 44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. 45 At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. 46 Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. 47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. 48 Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. 49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. 50 Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita. 51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan. 52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili. 53 Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan. 54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan. 55 Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan. 56 Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. 57 Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. 58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. 59 Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. 60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos. 61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan. 62 Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan. 63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin. 64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. 66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos. 67 Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita. 68 Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 69 Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko. 70 Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan. 71 Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo. 72 Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak. 73 Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos. 74 Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita; 75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati. 76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod. 77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan. 78 Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin. 79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo. 80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya. 81 Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita. 82 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin? 83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan. 84 Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin? 85 Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan. 86 Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako. 87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo. 88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig. 89 Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. 90 Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. 91 Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. 92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. 93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. 94 Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, 95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. 96 Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak. 97 Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. 98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. 99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. 100 Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. 101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo. 102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako. 103 Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! 104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling. 105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. 106 Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. 107 Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. 108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. 109 Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. 110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. 111 Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. 112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas. 113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko. 114 Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita. 115 Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios. 116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa. 117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan. 118 Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan. 119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo. 120 Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan. 121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin. 122 Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo. 123 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita. 124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 125 Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo, 126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo. 127 Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto. 128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad. 129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. 130 Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. 131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. 132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. 133 Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. 134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. 135 Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. 137 Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. 138 Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. 139 Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. 140 Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. 141 Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. 142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. 143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. 144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. 145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. 146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo. 147 Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita. 148 Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo. 149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. 150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan. 151 Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan. 152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. 153 Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. 154 Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. 155 Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. 156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. 157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. 158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. 159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. 160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. 161 Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. 162 Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. 163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. 164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. 165 Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. 166 Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. 167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam, 168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. 169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. 170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. 171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 172 Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. 173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. 174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. 175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. 176 Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

1 Aleph Blessed are the undefiled in the way, who walk in the law of the LORD.2 Blessed are they that keep his testimonies, and that seek him with the whole heart.3 They also do no iniquity: they walk in his ways.4 You have commanded us to keep your precepts diligently.5 O that my ways were directed to keep your statutes!6 Then shall I not be ashamed, when I have respect unto all your commandments.7 I will praise you with uprightness of heart, when I shall have learned your righteous judgments.8 I will keep your statutes: O forsake me not utterly.9 Beth How shall a young man cleanse his way? by taking heed thereto according to your word.10 With my whole heart have I sought you: O let me not wander from your commandments.11 Your word have I hid in my heart, that I might not sin against you.12 Blessed are you, O LORD: teach me your statutes.13 With my lips have I declared all the judgments of your mouth.14 I have rejoiced in the way of your testimonies, as much as in all riches.15 I will meditate in your precepts, and have respect unto your ways.16 I will delight myself in your statutes: I will not forget your word.17 Gimel Deal bountifully with your servant, that I may live, and keep your word.18 Open my eyes, that I may behold wondrous things out of your law.19 I am a stranger in the earth: hide not your commandments from me.20 My soul breaks for the longing that it has unto your judgments at all times.21 You have rebuked the proud that are cursed, who do err from your commandments.22 Remove from me reproach and contempt; for I have kept your testimonies.23 Princes also did sit and speak against me: but your servant did meditate in your statutes.24 Your testimonies also are my delight and my counselors.25 Daleth My soul clings unto the dust: revive me according to your word.26 I have declared my ways, and you heard me: teach me your statutes.27 Make me to understand the way of your precepts: so shall I talk of your wondrous works.28 My soul melts for heaviness: strengthen me according unto your word.29 Remove from me the way of lying: and grant me your law graciously.30 I have chosen the way of truth: your judgments have I laid before me.31 I have clung unto your testimonies: O LORD, put me not to shame.32 I will run the way of your commandments, when you shall enlarge my heart.33 He Teach me, O LORD, the way of your statutes; and I shall keep it unto the end.34 Give me understanding, and I shall keep your law; yea, I shall observe it with my whole heart.35 Make me to go in the path of your commandments; for therein do I delight.36 Incline my heart unto your testimonies, and not to covetousness.37 Turn away my eyes from beholding vanity; and revive me in your way.38 Establish your word unto your servant, who is devoted to your fear.39 Turn away my reproach which I fear: for your judgments are good.40 Behold, I have longed after your precepts: revive me in your righteousness.41 Waw Let your mercies come also unto me, O LORD, even your salvation, according to your word.42 So shall I have an answer for him that reproaches me: for I trust in your word.43 And take not the word of truth utterly out of my mouth; for I have hoped in your judgments.44 So shall I keep your law continually forever and ever.45 And I will walk at liberty: for I seek your precepts.46 I will speak of your testimonies also before kings, and will not be ashamed.47 And I will delight myself in your commandments, which I have loved.48 My hands also will I lift up unto your commandments, which I have loved; and I will meditate in your statutes.49 Zayin Remember the word unto your servant, upon which you have caused me to hope.50 This is my comfort in my affliction: for your word has revived me.51 The proud have had me greatly in derision: yet have I not turned from your law.52 I remembered your judgments of old, O LORD; and have comforted myself.53 Horror has taken hold upon me because of the wicked that forsake your law.54 Your statutes have been my songs in the house of my pilgrimage.55 I have remembered your name, O LORD, in the night, and have kept your law.56 This I had, because I kept your precepts.57 Heth You are my portion, O LORD: I have said that I would keep your words.58 I entreated your favor with my whole heart: be merciful unto me according to your word.59 I thought on my ways, and turned my feet unto your testimonies.60 I made haste, and delayed not to keep your commandments.61 The bands of the wicked have robbed me: but I have not forgotten your law.62 At midnight I will rise to give thanks unto you because of your righteous judgments.63 I am a companion of all them that fear you, and of them that keep your precepts.64 The earth, O LORD, is full of your mercy: teach me your statutes.65 Teth You have dealt well with your servant, O LORD, according unto your word.66 Teach me good judgment and knowledge: for I have believed your commandments.67 Before I was afflicted I went astray: but now have I kept your word.68 You are good, and do good; teach me your statutes.69 The proud have forged a lie against me: but I will keep your precepts with my whole heart.70 Their heart is as gross as grease; but I delight in your law.71 It is good for me that I have been afflicted; that I might learn your statutes.72 The law of your mouth is better unto me than thousands of gold and silver pieces.73 Yod Your hands have made me and fashioned me: give me understanding, that I may learn your commandments.74 They that fear you will be glad when they see me; because I have hoped in your word.75 I know, O LORD, that your judgments are right, and that you in faithfulness have afflicted me.76 Let, I pray you, your merciful kindness be for my comfort, according to your word unto your servant.77 Let your tender mercies come unto me, that I may live: for your law is my delight.78 Let the proud be ashamed; for they dealt perversely with me without a cause: but I will meditate in your precepts.79 Let those that fear you turn unto me, and those that have known your testimonies.80 Let my heart be sound in your statutes; that I be not ashamed.81 Kaph My soul faints for your salvation: but I hope in your word.82 My eyes fail for your word, saying, When will you comfort me?83 For I am become like a wineskin in the smoke; yet do I not forget your statutes.84 How many are the days of your servant? when will you execute judgment on them that persecute me?85 The proud have dug pits for me, which is not after your law.86 All your commandments are faithful: they persecute me wrongfully; help me.87 They had almost consumed me upon earth; but I forsook not your precepts.88 Revive me according to your lovingkindness; so shall I keep the testimony of your mouth.89 Lamed Forever, O LORD, your word is settled in heaven.90 Your faithfulness is unto all generations: you have established the earth, and it abides.91 They continue this day according to your ordinances: for all are your servants.92 Unless your law had been my delights, I should then have perished in my affliction.93 I will never forget your precepts: for with them you have revived me.94 I am yours, save me; for I have sought your precepts.95 The wicked have waited for me to destroy me: but I will consider your testimonies.96 I have seen a limit to all perfection: but your commandment is exceedingly broad.97 Mem O how love I your law! it is my meditation all the day.98 You through your commandments have made me wiser than my enemies: for they are ever with me.99 I have more understanding than all my teachers: for your testimonies are my meditation.100 I understand more than the ancients, because I keep your precepts.101 I have refrained my feet from every evil way, that I might keep your word.102 I have not departed from your judgments: for you have taught me.103 How sweet are your words unto my taste! yea, sweeter than honey to my mouth!104 Through your precepts I get understanding: therefore I hate every false way.105 Nun Your word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.106 I have sworn, and I will perform it, that I will keep your righteous judgments.107 I am afflicted very much: revive me, O LORD, according unto your word.108 Accept, I beseech you, the freewill offerings of my mouth, O LORD, and teach me your judgments.109 My soul is continually in my hand: yet do I not forget your law.110 The wicked have laid a snare for me: yet I strayed not from your precepts.111 Your testimonies have I taken as a heritage forever: for they are the rejoicing of my heart.112 I have inclined my heart to perform your statutes always, even unto the end.113 Samek I hate vain thoughts: but your law do I love.114 You are my hiding place and my shield: I hope in your word.115 Depart from me, you evildoers: for I will keep the commandments of my God.116 Uphold me according unto your word, that I may live: and let me not be ashamed of my hope.117 Hold me up, and I shall be safe: and I will have respect unto your statutes continually.118 You have trodden down all them that stray from your statutes: for their deceit is falsehood.119 You put away all the wicked of the earth like dross: therefore I love your testimonies.120 My flesh trembles for fear of you; and I am afraid of your judgments.121 Ayin I have done what is right and just: leave me not to my oppressors.122 Be surety for your servant for good: let not the proud oppress me.123 My eyes fail for your salvation, and for the word of your righteousness.124 Deal with your servant according unto your mercy, and teach me your statutes.125 I am your servant; give me understanding, that I may know your testimonies.126 It is time for you, LORD, to work: for they have made void your law.127 Therefore I love your commandments above gold; yea, above fine gold.128 Therefore I esteem all your precepts concerning all things to be right; and I hate every false way.129 Pe Your testimonies are wonderful: therefore does my soul keep them.130 The entrance of your words gives light; it gives understanding unto the simple.131 I opened my mouth, and panted: for I longed for your commandments.132 Look upon me, and be merciful unto me, as you do unto those that love your name.133 Order my steps in your word: and let not any iniquity have dominion over me.134 Deliver me from the oppression of man: so will I keep your precepts.135 Make your face to shine upon your servant; and teach me your statutes.136 Rivers of waters run down my eyes, because they keep not your law.137 Tsadde Righteous are you, O LORD, and upright are your judgments.138 Your testimonies that you have commanded are righteous and very faithful.139 My zeal has consumed me, because my enemies have forgotten your words.140 Your word is very pure: therefore your servant loves it.141 I am small and despised: yet do I not forget your precepts.142 Your righteousness is an everlasting righteousness, and your law is the truth.143 Trouble and anguish have taken hold on me: yet your commandments are my delights.144 The righteousness of your testimonies is everlasting: give me understanding, and I shall live.145 I cried with my whole heart; hear me, O LORD: I will keep your statutes.146 I cried unto you; save me, and I shall keep your testimonies.147 I rose before the dawning of the morning, and cried: I hoped in your word.148 My eyes awake before the night watches, that I might meditate in your word.149 Hear my voice according unto your lovingkindness: O LORD, revive me according to your judgment.150 They draw near that follow after evil: they are far from your law.151 You are near, O LORD; and all your commandments are truth.152 Concerning your testimonies, I have known of old that you have founded them forever.153 Resh Consider my affliction, and deliver me: for I do not forget your law.154 Plead my cause, and deliver me: revive me according to your word.155 Salvation is far from the wicked: for they seek not your statutes.156 Great are your tender mercies, O LORD: revive me according to your judgments.157 Many are my persecutors and my enemies; yet do I not turn from your testimonies.158 I beheld the transgressors, and was grieved; because they kept not your word.159 Consider how I love your precepts: revive me, O LORD, according to your lovingkindness.160 Your word is true from the beginning: and every one of your righteous judgments endures forever.161 Shin Princes have persecuted me without a cause: but my heart stands in awe of your word.162 I rejoice at your word, as one that finds great spoil.163 I hate and abhor lying: but your law do I love.164 Seven times a day do I praise you because of your righteous judgments.165 Great peace have they who love your law: and nothing shall offend them.166 LORD, I have hoped for your salvation, and done your commandments.167 My soul has kept your testimonies; and I love them exceedingly.168 I have kept your precepts and your testimonies: for all my ways are before you.169 Tau Let my cry come near before you, O LORD: give me understanding according to your word.170 Let my supplication come before you: deliver me according to your word.171 My lips shall utter praise, when you have taught me your statutes.172 My tongue shall speak of your word: for all your commandments are righteousness.173 Let your hand help me; for I have chosen your precepts.174 I have longed for your salvation, O LORD; and your law is my delight.175 Let my soul live, and it shall praise you; and let your judgments help me.176 I have gone astray like a lost sheep; seek your servant; for I do not forget your commandments.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-