Publicidade

Salmos 35

1 Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin. 2 Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin. 3 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan. 4 Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan. 5 Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy sila ng anghel ng Panginoon. 6 Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin sila ng anghel ng Panginoon. 7 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa. 8 Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya. 9 At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas. 10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya? 11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman. 12 Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa. 13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan. 14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina. 15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman; 16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin. 17 Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon. 18 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. 19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan. 20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain. 21 Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata. 22 Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin. 23 Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko. 24 Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin. 25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya. 26 Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin. 27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod. 28 At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

1 A Psalm of David. Plead my cause, O LORD, with them that strive with me: fight against them that fight against me.2 Take hold of shield and buckler, and stand up for my help.3 Draw out also the spear, and stop the way against them that persecute me: say unto my soul, I am your salvation.4 Let them be confounded and put to shame that seek after my soul: let them be turned back and brought to confusion that devise my hurt.5 Let them be as chaff before the wind: and let the angel of the LORD chase them.6 Let their way be dark and slippery: and let the angel of the LORD persecute them.7 For without cause have they hid for me their net in a pit, which without cause they have dug for my soul.8 Let destruction come upon him unawares; and let his net that he has hid catch himself: into that very destruction let him fall.9 And my soul shall be joyful in the LORD: it shall rejoice in his salvation.10 All my bones shall say, LORD, who is like unto you, who delivers the poor from him that is too strong for him, yea, the poor and the needy from him that plunders him?11 False witnesses did rise up; they laid to my charge things that I knew not.12 They rewarded me evil for good to the sorrow of my soul.13 But as for me, when they were sick, my clothing was sackcloth: I humbled my soul with fasting; and my prayer returned into my own bosom.14 I behaved myself as though he had been my friend or brother: I bowed down heavily, as one that mourns for his mother.15 But in my adversity they rejoiced, and gathered themselves together: yea, the attackers gathered themselves together against me, and I knew it not; they did tear me, and ceased not:16 With hypocritical mockers at feasts, they gnashed upon me with their teeth.17 Lord, how long will you look on? rescue my soul from their destructions, my precious life from the lions.18 I will give you thanks in the great congregation: I will praise you among many people.19 Let not them that are my enemies wrongfully rejoice over me: neither let them wink with the eye that hate me without a cause.20 For they speak not peace: but they devise deceitful matters against them that are quiet in the land.21 Yea, they opened their mouth wide against me, and said, Aha, aha, our eye has seen it.22 This you have seen, O LORD: keep not silence: O LORD, be not far from me.23 Stir up yourself, and awake to my defense, even unto my cause, my God and my Lord.24 Judge me, O LORD my God, according to your righteousness; and let them not rejoice over me.25 Let them not say in their hearts, Ah, so would we have it: let them not say, We have swallowed him up.26 Let them be ashamed and brought to confusion together that rejoice at my hurt: let them be clothed with shame and dishonor that magnify themselves against me.27 Let them shout for joy, and be glad, that favor my righteous cause: yea, let them say continually, Let the LORD be magnified, who has pleasure in the prosperity of his servant.28 And my tongue shall speak of your righteousness and of your praise all the day long.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-