Publicidade

Salmos 44

1 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. 2 Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila. 3 Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila. 4 Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob. 5 Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin. 6 Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak. 7 Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin. 8 Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah) 9 Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo. 10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway: at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili. 11 Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa. 12 Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad, at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga. 13 Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin. 14 Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan. 15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri, at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin, 16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw; dahil sa kaaway at sa manghihiganti. 17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka, ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan. 18 Ang aming puso ay hindi tumalikod, ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan; 19 Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal, at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan. 20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios; 21 Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso. 22 Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. 23 Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man. 24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian? 25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa. 26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

1 To the Chief Musician for the Sons of Korah, a maschil. We have heard with our ears, O God, our fathers have told us, what work you did in their days, in the times of old.2 How you did drive out the nations with your hand, and planted them; how you did afflict the people, and cast them out.3 For they got not the land in possession by their own sword, neither did their own arm save them: but your right hand, and your arm, and the light of your countenance, because you had favor unto them.4 You are my King, O God: command deliverances for Jacob.5 Through you will we push down our enemies: through your name will we tread them under that rise up against us.6 For I will not trust in my bow, neither shall my sword save me.7 But you have saved us from our enemies, and have put them to shame that hated us.8 In God we boast all the day long, and praise your name forever. Selah.9 But you have cast off, and put us to shame; and go not forth with our armies.10 You make us to turn back from the enemy: and they who hate us take spoil for themselves.11 You have given us like sheep appointed for food; and have scattered us among the nations.12 You sell your people for nothing, and do not increase your wealth by their price.13 You make us a reproach to our neighbors, a scorn and a derision to them that are round about us.14 You make us a byword among the nations, a shaking of the head among the people.15 My confusion is continually before me, and the shame of my face has covered me,16 For the voice of him that reproaches and blasphemes; because of the enemy and avenger.17 All this is come upon us; yet have we not forgotten you, neither have we dealt falsely in your covenant.18 Our heart is not turned back, neither have our steps declined from your way;19 Though you have severely broken us in the place of jackals, and covered us with the shadow of death.20 If we have forgotten the name of our God, or stretched out our hands to a strange god;21 Shall not God search this out? for he knows the secrets of the heart.22 Yea, for your sake are we killed all the day long; we are counted as sheep for the slaughter.23 Awake, why sleep you, O Lord? arise, cast us not off forever.24 Why hide you your face, and forget our affliction and our oppression?25 For our soul is bowed down to the dust: our body cleaves unto the earth.26 Arise for our help, and redeem us for your mercies' sake.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-