Publicidade

Salmos 148

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan. 2 Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo. 3 Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag. 4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit. 5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha. 6 Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi. 7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman: 8 Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: 9 Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro: 10 Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad: 11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa: 12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata: 13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. 14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Praise you the LORD. Praise you the LORD from the heavens: praise him in the heights.2 Praise him, all his angels: praise him, all his hosts.3 Praise him, sun and moon: praise him, all you stars of light.4 Praise him, you heavens of heavens, and you waters that be above the heavens.5 Let them praise the name of the LORD: for he commanded, and they were created.6 He has also established them forever and ever: he has made a decree which shall not pass.7 Praise the LORD from the earth, you sea creatures, and all deeps:8 Fire, and hail; snow, and vapors; stormy wind fulfilling his word:9 Mountains, and all hills; fruitful trees, and all cedars:10 Beasts, and all cattle; creeping things, and flying fowl:11 Kings of the earth, and all people; princes, and all judges of the earth:12 Both young men, and maidens; old men, and children:13 Let them praise the name of the LORD: for his name alone is excellent; his glory is above the earth and heaven.14 He also exalts the horn of his people, the praise of all his saints; even of the children of Israel, a people near unto him. Praise you the LORD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-