1 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako. 2 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko. 3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah) 4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita. 5 Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon. 6 Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat. 7 Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa? 8 Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako? 9 Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah) 10 At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. 11 Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. 12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. 13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? 14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. 15 Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah) 16 Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig. 17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos. 18 Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga. 19 Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala. 20 Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
1 To the Chief Musician. To Jeduthun. A Psalm of Asaph. I cried unto God with my voice, even unto God with my voice; and he gave ear unto me.2 In the day of my trouble I sought the Lord: my sore ran in the night, and ceased not: my soul refused to be comforted.3 I remembered God, and was troubled: I complained, and my spirit was overwhelmed. Selah.4 You hold my eyes from closing: I am so troubled that I cannot speak.5 I have considered the days of old, the years of ancient times.6 I call to remembrance my song in the night: I commune with my own heart: and my spirit made diligent search.7 Will the Lord cast off forever? and will he be favorable no more?8 Is his mercy ceased forever? does his promise fail forevermore?9 Has God forgotten to be gracious? has he in anger shut up his tender mercies? Selah.10 And I said, This is my infirmity: but I will remember the years of the right hand of the most High.11 I will remember the works of the LORD: surely I will remember your wonders of old.12 I will meditate also on all your work, and talk of your doings.13 Your way, O God, is in the sanctuary: who is so great a God as our God?14 You are the God that does wonders: you have declared your strength among the people.15 You have with your arm redeemed your people, the sons of Jacob and Joseph. Selah.16 The waters saw you, O God, the waters saw you; they were afraid: the depths also were troubled.17 The clouds poured out water: the skies sent out a sound: your arrows also went abroad.18 The voice of your thunder was in the heaven: the lightnings lighted up the world: the earth trembled and shook.19 Your way is in the sea, and your path in the great waters, and your footsteps are not known.20 You led your people like a flock by the hand of Moses and Aaron.