Publicidade

Salmos 51

1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. 2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. 4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. 5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, 6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. 7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. 8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. 9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. 10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. 11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. 12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. 13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. 14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. 15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. 16 Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin. 17 Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. 18 Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem. 19 Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.

1 To the Chief Musician. A Psalm of David when Nathan the prophet came unto him, after he had gone in to Bathsheba. Have mercy upon me, O God, according to your lovingkindness: according unto the multitude of your tender mercies blot out my transgressions.2 Wash me thoroughly from my iniquity, and cleanse me from my sin.3 For I acknowledge my transgressions: and my sin is ever before me.4 Against you, you only, have I sinned, and done this evil in your sight: that you might be justified when you speak, and be blameless when you judge.5 Behold, I was brought forth in iniquity, and in sin did my mother conceive me.6 Behold, you desire truth in the inward parts: and in the hidden part you shall make me to know wisdom.7 Purge me with hyssop, and I shall be clean: wash me, and I shall be whiter than snow.8 Make me to hear joy and gladness; that the bones which you have broken may rejoice.9 Hide your face from my sins, and blot out all my iniquities.10 Create in me a clean heart, O God; and renew a right spirit within me.11 Cast me not away from your presence; and take not your holy Spirit from me.12 Restore unto me the joy of your salvation; and uphold me with a free spirit.13 Then will I teach transgressors your ways; and sinners shall be converted unto you.14 Deliver me from the guilt of bloodshed, O God, God of my salvation: and my tongue shall sing aloud of your righteousness.15 O Lord, open my lips; and my mouth shall show forth your praise.16 For you desire not sacrifice; else would I give it: you delight not in burnt offering.17 The sacrifices of God are a broken spirit: a broken and a contrite heart, O God, you will not despise.18 Do good in your good pleasure unto Zion: build you the walls of Jerusalem.19 Then shall you be pleased with the sacrifices of righteousness, with burnt offering and whole burnt offering: then shall they offer bullocks upon your altar.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-