1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata. 2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman. 3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo. 4 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo. 5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat: 6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: 7 Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan. 8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim. 9 Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa. 10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon. 11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan. 12 Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan. 13 Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
1 To the Chief Musician. A Psalm and Song of David. Praise waits for you, O God, in Zion: and unto you shall the vow be performed.2 O you that hears prayer, unto you shall all flesh come.3 Iniquities prevail against me: as for our transgressions, you shall purge them away.4 Blessed is the man whom you choose, and cause to approach unto you, that he may dwell in your courts: we shall be satisfied with the goodness of your house, even of your holy temple.5 By awesome deeds in righteousness will you answer us, O God of our salvation; who is the confidence of all the ends of the earth, and of them that are afar off upon the sea:6 Who by his strength established the mountains; being girded with power:7 Who stills the noise of the seas, the noise of their waves, and the tumult of the people.8 They also that dwell in the uttermost parts are afraid at your signs: you make the outgoings of the morning and evening to rejoice.9 You visit the earth, and water it: you greatly enrich it with the river of God, which is full of water: you prepare them grain, when you have so provided for it.10 You water its ridges abundantly: you settle its furrows: you make it soft with showers: you bless its growth.11 You crown the year with your goodness; and your paths drop fatness.12 They drop upon the pastures of the wilderness: and the little hills rejoice on every side.13 The pastures are clothed with flocks; the valleys also are covered over with grain; they shout for joy, they also sing.