Publicidade

Salmos 83

1 Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. 2 Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. 3 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. 4 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. 5 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: 6 Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; 7 Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: 8 Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. 9 Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: 10 Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. 11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; 12 Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. 13 Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. 14 Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; 15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. 16 Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. 17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: 18 Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.

1 A Psalm or Song of Asaph. Keep not silence, O God: hold not your peace, and be not still, O God.2 For, lo, your enemies make a tumult: and they that hate you have lifted up the head.3 They have taken crafty counsel against your people, and consulted against your hidden ones.4 They have said, Come, and let us cut them off from being a nation; that the name of Israel may be no more in remembrance.5 For they have consulted together with one consent: they make a covenant against you:6 The tabernacles of Edom, and the Ishmaelites; of Moab, and the Hagrites;7 Gebal, and Ammon, and Amalek; the Philistines with the inhabitants of Tyre;8 Assyria also is joined with them: they have helped the children of Lot. Selah.9 Do unto them as unto the Midianites; as to Sisera, as to Jabin, at the brook of Kishon:10 Who perished at Endor: they became as refuse for the earth.11 Make their nobles like Oreb, and like Zeeb: yea, all their princes as Zebah, and as Zalmunna:12 Who said, Let us take to ourselves the houses of God in possession.13 O my God, make them like a wheel; as the stubble before the wind.14 As the fire burns wood, and as the flame sets the mountains on fire;15 So persecute them with your tempest, and make them afraid with your storm.16 Fill their faces with shame; that they may seek your name, O LORD.17 Let them be confounded and troubled forever; yea, let them be put to shame, and perish:18 That men may know that you, whose name alone is the LORD, are the most high over all the earth.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-