1 Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi. 2 Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. 3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. 4 Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi. 5 Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo. 6 Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo. 7 Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami. 8 Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha. 9 Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga. 10 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad. 11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo? 12 Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan. 13 Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo. 14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin. 15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan. 16 Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak. 17 At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
1 A Prayer of Moses, the man of God. LORD, you have been our dwelling place in all generations.2 Before the mountains were brought forth, or ever you had formed the earth and the world, even from everlasting to everlasting, you are God.3 You turn man to destruction; and say, Return, you children of men.4 For a thousand years in your sight are but as yesterday when it is past, and as a watch in the night.5 You carry them away as with a flood; they are like a sleep: in the morning they are like grass which grows up.6 In the morning it flourishes, and grows up; in the evening it is cut down, and withers.7 For we are consumed by your anger, and by your wrath are we troubled.8 You have set our iniquities before you, our secret sins in the light of your countenance.9 For all our days are passed away in your wrath: we spend our years as a tale that is told.10 The days of our years are threescore years and ten; and if by reason of strength they be fourscore years, yet is their strength labor and sorrow; for it is soon cut off, and we fly away.11 Who knows the power of your anger? even according to your fear, so is your wrath.12 So teach us to number our days, that we may apply our hearts unto wisdom.13 Return, O LORD, how long? and may you have compassion concerning your servants.14 O satisfy us early with your mercy; that we may rejoice and be glad all our days.15 Make us glad according to the days in which you have afflicted us, and the years in which we have seen evil.16 Let your work appear unto your servants, and your glory unto their children.17 And let the beauty of the LORD our God be upon us: and establish you the work of our hands upon us; yea, the work of our hands establish it.